CHAPTER 23

267 16 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Martini." I said to the bartender na nasa counter. Nakita ko pa kung paano siya ngumiti o magpacute.

Eww!

"Here's your Martini, beautiful girl." He said flirtatiously

I smirked at him. Hindi niya ata ako kilala dahil mukhang bago lang siya dito sa bar nila Pito. Ngayon ko lang kasi nakita ang pagmumukha niya dito.

Inabot ko naman ang isang shot glass tsaka inisang lagok ko lang iyon.

"Planning to get drunk?" I looked at him.

"Yes, so give me another glass and do it two."

Ng makuha ko ang order ay umalis na ako habang may ngisi sa labi. I walk straight to one of the empty couches at the side while holding my two glasses of Martini.

Agad ko naman ininom ang hawak kong martini. May nag aaya na sumayaw or tanungin ang name ko pero hindi ako pumayag.

Damn it! Mukhang maling desisyon na pumunta ako dito sa bar mag isa at maglasing. Dapat sa condo ko nalang or sa house namin, eh.

Gusto ko ng peace of mind pero rest of peace ata ang mangyayari.

Hindi matanggal sa isip ko ang nakita kanina. Kung paano sila maghalikan.

Alam ko naman na girlfriend niya si Zer, eh. Pero bakit nasasaktan ako? I'm not dumb para hindi malaman ito pero mali.

Pumunta ako dito para hindi na maisip yun pero hindi naman matanggal sa isip ko kung paano sila maghalikan at ngumiti.

Napabuntong hininga ako at sunod sunod na nilagok ang alak na hawak ko.

Tapos noong kakapasok ko lang agad na akong ginulo at kinukuha ang number ni Andrei sa akin pero hindi ko binigay baka patayin ako ng magiging asawa niya, eh.

"Hi gorgeous, wanna dance?" Napatigil ako sa pag iisip ng may isang lalaki ang lumapit sa akin. He's handsome, huh.

"Sure."

Inaya na niya ako sa dance floor. I dance my heart out of the floor. Pinalibutan na rin ako ng mga nandito na sumasayaw mapalalaki or babae man.

But I don't care! I need to enjoy this night!

I need to forget that scene!

Napakatanga ko sa ginawa ko sa comfort room!

How dare she kiss me and run away?!

Nakiss and run ako doon!

Tapos ang malala pa nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Zer. Parang sila lang ang tao doon at walang pakealam kung may makakita man sa kanila.

Damn her! Damn you, Aeris!

Tapos nagalit pa siya doon sa mga babae na nanghihingi lang ng number ni Andrei sa akin?! The audacity!

Ano kaya ang tawag sa kaniya? Pagkatapos makipag make out sa akin ay makikipaghalikan na agad kay Zer?! Wala pang 5 minutes ang nakalipas!

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano niya paalisin ang mga babae at hilain ako papunta sa cr tsaka niya nilock.

Hinalikan din niya ako na parang wala ng bukas! That she missed me as much as I miss kissing her!

Noong hinalikan ko rin siya kanina parang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko. Para akong nakapagpahinga sa kanya pero tangina grabe pala ang sakit na nakita ko!

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now