CHAPTER 4

340 20 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

Two weeks na ang nakalipas simula ng pumasok kami dito sa University. At kung itatanong niyo kung ano ang ganap ay wala naman masyado.

Yung Prof at yung girlfriend ni Zeriah ay todo irap sa akin kapag nagtatama ang mga tingin namin.

Si Zeriah naman ay medyo nagiging okay na kami. Kinausap niya kasi ako noon at sinabi na babawi daw siya sa akin kaya yun binigyan ko ng chance.

But her annoying girlfriend is always on her side. At kahit wala akong ginagawa sa kanya ay lagi niya akong sinusungitan.

May time na nagkabungguan kami ulit at sinabi na ako daw may kasalanan. Siya nga hindi tumitingin sa dinadaan, eh.

"Rykee, wait!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon kaya hinarap ko siya.

"What?" I asked coldly

"Can you wait for me?"

"Why?"

"Wala akong dalang sasakyan?" I rolled my eyes because of what Zeriah said. Pauwi na kasi ako tapos ito siya ngayon nagpapahintay dahil may gagawin daw muna sila sa SSC Office.

"Mag taxi ka."

"Sayang pamasahe." She said and pouted.

"You're a billionaire." Sabi ko at naglakad na paalis.

Totoo naman sinabi ko na binibigyan siya lagi ng pera ng kahit hindi siya umuuwi ng Switzerland.

"Ry–"

"I don't want to."

"Help me!"

Agad akong napatingin sa kanya ng sumigaw siya pero napairap ako ng marinig siyang tumawa.

"You're worried about me, so you should come with me."

"Ayaw ko–"

"What if I get hurt later? What if someone wants to kill me? What if–"

"Fine!" Labag sa loob kong sabi. Bibigyan pa akong konsensya, eh.

Kahit naman masama ang loob ko sa kanya hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sa kanya 'no.

Kahit balik-baliktarin ko ang mundo kapatid ko pa rin siya kahit na masakit ang ginawa niyang pag iwan sa akin noon.

"Really? Sasamahan mo ako?" She said excitedly.

"Yeah, but in one condition."

"Tell me what it is."

"You must finish what you have to do in 30 minutes because if you don't, I will leave you, understand?" I said and raised my eyebrow

Ngayon ko lang din nalaman na Vice President siya ng school na ito, tapos yung President yung girlfriend niyang pinaglihi sa sama ng loob.

"Grabe naman, bakit 30 minutes lang? Pwede naman–"

"Zer," Sabay kaming napatingin sa tumawag. Hindi naman ako si Zer pero tumingin ako. Haist.

"Seren,"

"Let's go?" She said and looked at me

I raised my eyebrow and rolled my eyes at her. Tinitingin niya? Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda?

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now