CHAPTER 7

327 19 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Kapag ba sinaksak kita mamamatay ka?" Pryn said

"Kapag ba tinanggal ko ang ulo mo mabubuhay ka pa?" Sagot ko

Tumawa naman siya kaya umirap ako. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria at si Kao tsaka Pito ang nag order ng pagkain namin, wala si Zia dahil may pasok daw siya ngayon.

"Alam mo–"

"Hindi."

Binatukan naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin pero umirap lang siya.

"Pilosopo depota! Pero 'to na nga, may nakita akong baraha kanina sa bahay kaya maglalaro tayo."

"Anong laro?"

"Tong its." Siya naman ngayon ang binatukan ko.

"Tanga ka ba? Nasa school tapos maglalaro ka ng tong its?"

"4 hours naman vacant natin. Tsaka anong gagawin mo sa 4 hours na vacant, huh? Magtititigan ganon hanggang lumabas ang mata mo?"

"Bawal magsu–"

"Miss Collins, Miss Carter."

Sabay kaming napatingin ni Pryn sa nagsalita at walang iba kung hindi si Anthea kasama si Prof Zai.

"Yes po Prof?" Magalang na tanong ni Pryn

Plastic! Kapag wala sila sinasabihan niyang masusungit tapos kapag nandito parang tuta.

"If you don't mind, can we sit here? There's no more–"

"Yes po, opo Prof." Putol ni Pryn sa sasabihin ni Prof Zai habang nakangiting aso.

Tumingin naman si Prof Zai sa akin kaya inirapan ko. Ayaw ko ngang makasama si Zeriah tapos siya ang papalit.

Actually, Prof Zai is my cousin.

"Thank you, Miss Carter." Prof Zai said

Umupo naman na sila pero napakunot ang noo ko ng tumabi si Anthea sa akin. Amoy na amoy ko tuloy ang strawberry scent niya.

"I want to sit here if you don't mind." She said coldly

"K." I said coldly. Hindi kang siya yung pwedeng maging cold dito 'no. Siya nalang nakikiupo, eh.

"Hoy, may chismis ako!" Sabi ni Pito na kakadating lang dala ang food namin.

"Alam niyo si Prof Mey–"

"Sevyn!"

"Pito!"

Sabay na sabi namin ni Pryn at pinanlakihan siya ng mata. Alam na namin ang sasabihin niya na chismis dahil may kumalat kahapon na picture ni Anthea kasama ang isang stupidyante na nakayakap sa kanya pero hindi lang makita yung mukha ng stupidyante dahil blur. Pero para sa akin familiar yung girl.

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now