CHAPTER 14

253 16 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

AERIS'S POV

It's been one week since I went to their house. It's been a week that I haven't seen Zer dahil hindi sila pumapasok ng demonyo niyang kapatid.

I don't know where they are. Nagpatulong na rin ako kay Dad para hanapin sila pero hanggang ngayon wala pa rin balita.

Para akong walang buhay ngayon sa mga ginagawa ko dahil hindi ko pa rin alam kung saan dinala ng demonyong iyon si Zer.

"Mukha ka ng panda dahil sa laki ng mga eyebags mo." Sabi ni Sab sa tabi ko.

Umirap lang ako at hindi na siya pinansin pa. Sinong hindi magkakaroon ng eyebags kung hindi ako makatulog tuwing gabi kakaisip kung nasaan si Zer.

"Good morning, class!"

Napatingin ako sa harap at nakita si Prof Zai na kakapasok lang. As usual discussion and quiz nanaman. Parehas sila ni Prof Anthea.

"I just want to–" Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok sa pinto.

"Come in."

Hindi na ako nag abala pang tignan kung sino yun dahil wala naman akong pake kung sino ang kumatok.

"We're sorry we're late, Prof Zai."

Ng marinig ang boses na 'yon agad akong nag angat ng tingin at nakita ko ang taong hinahanap ko. Si Zer.....

Napatingin naman ako sa kasama niya at nakangising nakatingin siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Give me a reason to let you in. You know that I don't like being late to my class." Prof Zai said coldly

"Alam mo Prof para ka pong others. Parang hindi mo po kami cous–"

"Take your seat." Putol ni Prof Zai sa sasabihin ng demonyo.

"Thank you, Prof!" Masiglang sabi naman ni Zer at hinila na ang demonyo.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makaupo sila sa likod namin pero hindi man lang sumulyap si Zer sa gawi ko.

Damn! I miss her!

Nagsimula naman na magdiscuss si prof Zer pero hindi ako mapakali dahil alam kong nakatingin ngayon sa gawi ko ang demonyo.

"Relax...." Para akong naestatwa ng marinig ang boses na 'yon. Tumama ang hininga niya sa tenga ko dahil bumulong lang siya. "It's just a warning. Kaya kung gagawa ka pa ng bagay na hindi ko gusto, hindi ko na talaga ibabalik si Zeriah dito." She added.

"Damn you!"

Napatingin naman sa akin ang lahat dahil sa biglang pagsigaw ko at pagtayo.

Tinignan ko ng masama ang demonyo pero nakangisi lang siya sa akin. She also mouthed 'don't shout'.

"What's wrong, Miss Kim?"

"Damn you daw, Prof." Sabi ng demonyo at ngumisi pa

God! I want to kill her right now!

"Go to the detention office right now, Miss Kim." Malamig na sabi ni Prof Zai

I looked at her in disbelief. "But Prof–"

"No more buts." She cut me off

Damn! Mapupunta pa ako sa detention dahil dito sa demonyong ito?! Sa buong pag aaral ko ngayon lang ako mapupunta sa detention!

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now