Chapter 18

64.9K 2.1K 1.3K
                                    

Strangers

My eyes squinted as soon as I realized it was already morning. Bumangon ako sa kama nang mapagtantong mag-isa nalang.

Shit! It's almost time for our check-out in the Villa! Nagmamadali akong tumayo, kinuha ang t-shirt ko, at halos patakbong bumalik sa Villa.

Bukas iyon noong makapasok ako nang tuluyan at naririnig ko ang mga boses nila. Noong lumapit lalo, ang mga boys ang unang nakapansin sa akin habang sinusuot ko ang t-shirt ko.

"Ohhhh!" they shouted and clapped.

Gago.

"Saan ka galing, Brent?" Angela hissed.

Sa lahat ng lumingon sa akin lalo na't nasa hapag silang lahat ng mesa habang kumakain, si Shiloh lang ang nanatili ang tingin sa plato niya. And damn it, can you believe it? Connor is beside him.

Natatawang tumayo si Mavric at lumapit sa akin sabay akbay agad sa akin.

"Ano 'yon? Ano 'yon?" si Mavric na iniaangat na ang t-shirt ko.

"Nakita ka namin kagabi, Brent! Ang hot no'n ah?" si Tyler na malawak ang ngisi sa akin.

"Ang daming kiss mark, Brent!" si Mavric na natatawang tiningnan ang leeg ko.

I rolled my eyes and shook my head as I pushed him away, smirking a bit.

"Cheater ka, Brent! Paano na si Jessie?!" si Angela na sumigaw.

"Hindi nga kami!" tawa ni Jessie.

"I don't do friends." I smirked at the girls and walked to the room.

Nagsigawan ang boys habang madrama ang reaksyon ng mga girls.

"Feeling Brent! Sino bang patay na patay sa'yo rito?! Eh si Jessie lang naman!" sigaw ni Sadie.

"Hoy grabe! Friends kami ni Brent!" si Jessie na tumatawa.

"Di ka namin crush 'no! Mga bading kaming mga babae kung ikaw nalang din ang natitirang lalake!" the girls shouted.

That's good. Hindi rin naman babae ang nagugustuhan ko ngayon.

"Kain, dude!" si Conner.

The punching bag just talked.

Iwinagayway ko lang ang kamay ko at kinuha ang towel para maka shower. Ba't ako haharap doon habang magkatabi sila? I might just flip the table. Basag talaga itong nguso ni Connor sa akin kung hindi ako nakapagtimpi.

Everyone was now preparing to leave. Hindi na rin nila ginawang topic ang nadatnan nila kaninang umaga. Right. Coz I was a well-known playboy. Kaya bakit nga naman ako magbabago bigla, hindi ba, Shiloh?

Nauna ako sa van nang maiwasan lang siya. Kaso lumabas na ang lahat, pansin ko na wala pa siya. I checked if Connor was already with us, and he's with the boys.

"Si Shiloh?" tanong ko.

"Nasa loob pa. May hinahanap sa garden," si Sadie.

"Bakit hindi mo tinulungan?"

"Pinapauna niya na kami eh. Ayaw niya ring sabihin ang hinahanap niya. Wala kaming idea ano 'yon. Hintayin nalang daw natin siya sa labas."

Umangat ang kilay ko. May hinahanap sa hardin. If I'm right...

My steps unconsciously led me back to the Villa.

"Brent! Gago ka! Sinabi niyang hintayin natin siya rito! Maiinis na naman 'yon sa'yo!" sigaw ni Mavric na hindi ko pinakinggan.

Between the Rainbow (Strawberries and Cigarettes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon