Chapter 22

75.1K 2.2K 1.4K
                                    

Hugs

The boys decided to drink here in our new unit instead. Dinala ni Tyler ang inuming sinasabi niya at doon na sila sa sala nagpasyang mag-inuman.

"Join us, Shiloh," anyaya ni Ronan at tinapik ang upuan sa tabi niya.

Hinila ko ang upuan at doon umupo. I arched my brow and cleared my throat. Si Ronan ay hindi na masyadong itinuon ang pansin doon at naging abala sa paghahanda sa pulutan.

"Dito ka, Shiloh," si Mavric na tinapik ang gitnang upuan.

Shiloh nodded and went to the chair. Sa harap ay si Tyler, Rick, Connor at sa gilid naman ay naroon si Ronan.

"Do you drink?" tanong ni Mavric nang umupo si Shiloh sa gitna.

I glanced at him. He's facing Mavric more. Kulang nalang talikuran ako so I rested my head on the top of his chair and tilted my head to see his expression.

"Konti lang," he answered, while Mavric's eyes looked at my hand for a while.

"Ayos lang naman na uminom ka, 'di ba? Wala namang magagalit?" Mavric chuckled.

Ngumuso ako. If he wants a drink, then... Tiningnan ako ni Mavric kaya tumikhim ako.

"Sino namang magagalit, Mav?" Angat ng kilay ko.

He shrugged and laughed. Tinapik ni Tyler ang balikat ni Connor at bahagyang natawa kaya napunta roon ang atensyon naming lahat.

"Gago, dude. You messed it up again. One week lang kayong nagkabalikan, hiniwalayan kana naman," ani Tyler na sinabayan ulit ng halakhak ni Ronan habang sinisinimulan na ang inuman lalo na't siya ang nagpresintang gunner.

Connor rested his elbows on the table while holding his head. Tumingin siya kay Shiloh at nilingon si Rick sa gilid niya.

"Palit nga kayo ni Shiloh."

"Kaka advice sa'yo ni Shiloh mapapagod na 'yan. That's why it's better if you give her more space, bro... Huwag nang ipilit," si Rick na inabutan ng shot ni Ronan.

"Ano ba kasing ginawa mo?" I asked, a bit irritated that he's including Shiloh in his damn problem with his girlfriend.

Connor shook his head and took the shot glass from Rick's hand when he was about to sip it. Ngumiwi si Rick habang deritso iyong nilagok ni Connor.

"Tingnan niyo 'yan mamaya, gagapang 'yan patungo sa bahay ng girlfriend niya. Luluhod 'yan." Mavric laughed.

"Kaya huwag kanang magsayang ng laway dito, Shiloh. Irecord mo nalang tapos iparinig mo sa kanya pag hiniwalayan siya ulit. Gago eh," si Rick na umiling.

Hmm... I think I should record it instead and give it to Connor. I'll make it as his fucking playlist and play it every time he's damn brokenhearted so he would stop bugging my little...

"Ikaw Shiloh? Nagkagirlfriend kana ba?" Ronan suddenly asked as soon as he took the shot glass in Connor's hand.

Tumingin kaming lahat sa kanya. He already told me that he never had a girlfriend. Kaya noong umiling siya, medyo kumalma ako.

"Really, Shiloh?" si Connor na medyo gulat.

Shiloh nodded and smiled a little. I folded my arms while looking at him as he sat straight while resting his elbows on the side of the table. Nakatingin ako sa batok niya habang sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko ang pagbaling din ni Mavric sa akin.

"Gwapo ka nga tapos wala kang girlfriend," si Tyler na nasa harap niya.

"Ang gwapo nga ni Shiloh," si Mavric na tumatango.

Between the Rainbow (Strawberries and Cigarettes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon