SIMULA

234 11 6
                                    

SIMULA

"Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama!"

Napabangon kaagad siya dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa kabilang apartment. Pawis na pawis ang kanyang leeg at noo dahil sa isang panaginip kung saan kasama niya ang isang lalaki at sila ay nasa mainit na tagpo.

"Shit." Napahilamos sa kanyang mukha si Zerina at dali-daling kinuha ang phone. Napadaing siya dahil Sabado na, kagaya ng kanyang inaasahan.

Naiinis na umalis na siya sa kanyang kama at naghanda dahil meron siyang pasok ngayon.

When she sat on the toilet bowl she frowned when she saw how damp her underwear was. "Kung bakit kasi sobrang hot nung kasex ko." Di niya mapigilang sambitin at nagpatuloy sa kanyang pakay sa banyo.

She is Zerina Nguyen-Gomez. She just recently started her Ph.D in Geology in James Hutton University and she also works there as an assistant professor right after she finished her master's degree.

Naging Assistant Professor I si Zerina dahil naipamalas naman niya ang kanyang galing pagdating sa geology pati na rin sa pagtuturo nito, pero may kondisyon pa rin na kailangan niyang magpatuloy sa kanyang postgraduate studies upang manatili sa posisyon at ang pinakaimportante sa lahat ay ang maging miyembro ng isang research project team o makapagpublish ng kanyang sariling research.

Nagtimpla na lamang si Zerina ng kanyang kape sa kanyang insulated mug at dali-dali nang umalis sa kanyang apartment.

Habang kinakandado ni Zerina ang pintuan ay dinig na dinig pa rin niya ang malakas na music ng kabilang unit. Marahas na bumuntong-hininga si Zerina atsaka hinigpitan ang hair band sa kanyang nakaponytail na buhok. Padabog na nagtungo siya sa kabilang unit at gigil na pinindot ang doorbell.

Ilang segundo pa ay bumukas iyon. Nalukot ang mukha ni Zerina dahil naaamoy ang alak at halong sigarilyo mula sa babaeng nakatira sa unit na iyon.

"Zerina, good morning."

Napaatras si Zerina dahil malakas ang atake ng amoy na nagmumula sa bibig ng babae, "Lori, ano ba 'yan? Amoy alak ka at sigarilyo."

"Ay, sorry."

Sinamaan ng tingin ni Zerina ang babae at natakot ito, "Baka naman gusto mong hinaan yung music mo? Nakakaabala. Ang sarap pa ng tulog at pananaginip ko eh."

Geez, Zer. Masarap ba talaga? You're so disgusting! Bulong ni Zerina sa isip.

"Sorry. Malakas ba?"

Di makapaniwalang tinignan ni Zerina si Lori, "Magpupunta ba ako kung hindi?"

"Akala ko kasi wala ka. Kapag Biyernes kasi sobrang tahimik ng unit mo. Akala ko nasa ibang lugar ka. Hayaan mo di na mauulit. Sorry na, hehe."

Napailing na lamang si Zerina tapos ay may kinuha sa maliit na bulsa ng kanyang bag. Inabot nito ang paracetamol, "Oh, inumin mo. Di ba masakit ulo mo? Nakukuha mo pang maglakas ng music imbes na matulog ka." Panenermon ni Zerina.

Nanlaki ang mga mata ni Zerina nang yakapin siya ni Lori. "Ang bait mo talaga! Ang swerte ko na ikaw ang kapitbahay ko, Zer!"

"Oh my God! Bitaw!" Asar na tinulak ni Zerina si Lori. "Baka naman kumapit amoy mo, Lori. Nakakainis ka namang babae ka. Sige na." Pagpapaalam niya.

Pagkasakay ni Zerina sa kanyang Tucson ay dali-dali siyang nagspray ulit ng kanyang paboritong cologne, at pinasibad na ang sasakyan patungong Hutton.

Nawala rin ang pagkaasar ni Zerina kay Lori dahil sa magandang music na tumutugtog ngayon habang nagmamaneho siya patungong school.

Kailangan ay good mood siyang darating dahil ito ang araw na ipapakilala ng kanyang professor ang isang magaling na geoscientist daw na naghahanap ng co-author sa pinaplano nitong research project. At dahil ayaw ni Zerina ang gumawa ngayon ng kanyang individual research ay mas okay na makikipagcollaborate na lamang siya.

Zerina attended first her two elective subjects for that day before going to the faculty office, where she also has an assigned cubicle since she also works there as an assistant professor.

"Good afternoon, everyone." Pagbati ni Zerina sa mga nadatnan roon.

"Ang gandang bata talaga nitong si Zerina. Hindi ka ba nililigawan ng mga students natin?"

Napalingon si Zerina sa may kanan kung saan maraming mga enclosed and private office spaces dahil doon ang mga university professors, o ang mga professors na may mga matataas na ranggo.

"Dr. Hernandez." Ito ang paboritong professor ni Zerina simula nung master's program niya hanggang sa ngayong PhD student siya at nagtatrabaho sa Hutton. "Hello po. Nalate po ba ako?"

Umiling naman si Dr. Hernandez, "No worries, Zerina. Professor Alcubierre is currently checking out his office. He's our new university professor here in Hutton."

"Really?"

"Really. He's a geoscientist by profession talaga. Our dean exerted a lot of efforts in convincing him to teach here aside from his research project. He's quite a busy man because he also works in an oil company."

Napatingin si Zerina sa opisinang okupado na ngayon ng taong nagngangalang Professor Alcubierre.

"Siya po ba yung lead author nung research project na sasalihan ko?" Bigla ay kinabahan si Zerina sa posibleng kahihinatnan niya kung makakatrabaho niya ang pinagmamalaking professor na ito.

"Yes. I'm so glad he accepted my request! Oh dear, this is a great opportunity. It will totally boost your credentials if you get to work with him, plus ..." Zerina got confused when Dr. Hernandez playfully wriggled her brows, "you get to be more inspired every time you work with him!"

Nahihiyang tumawa na lamang si Zerina atsaka pumunta na muna sa kanyang cubicle at hinintay na ipatawag siya sa opisina ni Professor Alcubierre.

"Alcubierre. Apelido pa lang parang terror na." Bulong ni Zerina habang inaayos ang sarili.

"Zerina. He's available now." Dr. Hernandez announced.

"Okay po." Binitbit ni Zerina ang isang folder na naglalaman ng kanyang mga current credentials para kung sakaling itanong iyon ni Professor Alcubierre ay nakahanda siya.

Papalapit pa lang siya sa pintuan ay labis na ang kabog ng dibdib ni Zerina, at hindi niya maintindihan bakit ganun ang kaba niya, siguro dahil alam niyang topnotch geoscientist ang makakausap nito.

Huminga siya nang malalim at kumatok, "Ahm, this is Zerina Gomez ... Professor Alcubierre."

"Come in."

Zerina felt shivers ran down her spine when she heard his deep voice, that voice alone can clearly say that he is a powerful person, not only that, she felt like it was a familiar voice.

Huminga nang malalim si Zerina at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Pagkapasok niya ay nakatalikod ang taong iyon at abala sa pag-aayos ng mga libro nito sa bookshelf.

Lumapit pa si Zerina at tumayo sa may gitna. "Good afternoon, professor." Magalang na sambit ni Zerina at pinagmamasdan ang malapad nitong balikat.

Geez, why am I remembering someone with those broad shoulders?

"Good afternoon, Miss Gomez."

It felt like time moved slowly when Professor Alcubierre turned around and faced her.

Her lips parted and dropped the folder she was holding when she finally understood why Dr. Hernandez was giggling about this man, not only that, she also understood why there is familiarity when she heard his voice and saw his physique.

"Y-You?" Hindi mapigilang isatinig iyon ni Zerina.

Zerina's heart is pounding hard and fast. Why wouldn't it?

Ang lalaki lang naman kasi na nakatitig sa kanya nang malalim ay ang lalaking kasa-kasama ni Zerina sa panaginip, kung saan sila ay nasa kagubatan, hubo't hubad at magkaisa ang mga katawan!

Lumapit sa kanya si Professor Alcubierre, nanigas ng tuluyan ang katawan ni Zerina nang mas malapit na ito kaya sigurado siyang siya nga ang lalaki sa kanyang panaginip.

"I'm Professor Franco Alcubierre. Are you okay, Miss Gomez?"

At hindi maintindihan ni Zerina kung bakit bigla ay pumihit siya patalikod at nagtungo sa pintuan.

--

Not Even Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon