20

71 7 2
                                    

20

Iritadong nakatingin si Zerina sa isang matangkad na lalaki na sumisipol papalapit sa kinatatayuan niya. Nakasuot pa ito ng sunglasses kaya umangas ang dating nito lalo pa at nakasuot ng leather jacket.

Humalukipkip si Zerina, "Bakit ikaw ang pinapunta? Sobrang busy ba sa Arcanum?"

Humalakhak naman ang lalaki atsaka tinanggal sa pagkakasuot ang shades, "They sent you the best agent, Tita. Don't be so grumpy." Yumakap ang lalaki sa kanya ngunit hindi iyon ginantihan ni Zerina. "Agent Barro Mullen at your service."

Inis na tinulak niya si Barro tapos ay tumingin-tingin pa sa likuran umaasang may ibang kasama ang pilyong pamangkin nito.

"Tita, nakakaoffend na. Where's Tito Franco? I bet he'll give me a warmer greeting."

Akmang papasok na itong si Barro sa gate nila pero humarang si Zerina. "Teka lang."

"Huh?"

"Hindi man lang ba binanggit ni Ricker sa inyo kung gaano kaseryoso 'tong problema at ikaw ang pinadala?"

Lumabi itong si Barro at napahawak sa dibdib na animo'y nasasaktan, "You're hurting me, Tita. Your tone sounds like our Director has just sent you the weakest."

Maiksing tumawa si Zerina, "You may not be the weakest but you're the most playful and flirty."

Ngumisi si Barro, "I see. May magandang involve ba? I wanna see!" Muli itong nagtangkang pumasok pero humarang ulit si Zerina, "Tita, ano ba? Are you gonna let me handle the case or not?"

"Umayos ka, Barro. This is something serious."

Bumuntong-hininga si Barro at inayos ang leather jacket, "Seryoso naman po ako. Inaasar ka lang." Sambit nito atsaka na umakbay sa kanya, "The Arcanum has sent you a Class 1 Field Agent."

"Class 1 pa rin? Kailan ka magiging Elite?"

Nangati sa kanyang sentido itong si Barro, "If I do well on this one, baka magiging Elite na. Kaya please, can we get inside now?"

"Fine!"

Inaya na ni Zerina sa loob si Barro para mapakain man lang habang hinihintay nila ang pagdating ni Franco na galing sa trabaho.

"Bakit hindi mo tanggapin yung alok ni Auntie LA sa'yo, Tita Zer?" Tanong ni Barro habang maganang kinakain ang inilutong pasta ni Zerina.

Umiling si Zerina, "I just can't. Kaya nga kami nagmove ng Tito Franco mo rito sa New Orleans, I want to live the way how a human being does."

Barro shook his head, "You should already accept that your way of life is beyond the ordinary, look what's happening now."

Bumuntong-hininga naman si Zerina, "I know. Pero, masama bang hilingin ko 'to kahit sa maiksing panahon lang?"

Pinakatitigan siya ni Barro, tila ba naaawa sa kanya, "I'm glad I was born aware I'm not a human."

"Bakit naman?" Naupo nang maayos si Zerina dahil sa pagiging seryoso ng pamangkin.

Napatingin si Barro sa pasta na nasa kanyang plato, "It keeps me away from disappointments and heartaches." Nilingon siya ng pamangkin na seryoso ang hitsura, ganitong mga oras ay talagang mas lalong nakakahanga ang isang Barro Mullen, lalong kumikisig kapag nasa seryosong usapan. "I know right away what I deserve and don't. I know right away what I should dream of and what not to."

Hindi kaagad nakasagot si Zerina dahil sa malalim na sagot ng pamangkin. Ang kaseryosohan sa paligid ay biglang nawala dahil sa pagngisi ni Barro, "Except for the hot human girls, that I can't resist."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not Even Death Do Us PartWhere stories live. Discover now