10
Araw ng Lunes ay sinimulan ni Zerina ang araw na iyon na masigla, paanong hindi siya sasaya dahil bago pumasok si Franco sa Plutus Co. ay maagang-maaga itong dumating sa kanyang apartment.
Pinagdala siya nito ng almusal at siyempre hindi nawala ang kanilang paboritong exercise na magkasama.
Napakagat pa ng labi itong si Zerina habang papasok na ang sasakyan sa gate ng school nang maalala kung paano siya angkinin ni Franco sa may pintuan lang at inangat lang ang suot na skirt.
"Damn that mysterious guy. I miss him already."
Nag-iba kasi ang schedule nitong si Franco, mas kailangan daw siya ngayon sa Plutus Co., kaya nabawasan ang mga teaching loads nito. Tuwing Tuesday at Thursday na lang pumapasok sa JHU.
"Good thing, you're here Professor Gomez. Please see me at my office."
Nadatnan niya ang Dean na nakikipagkuwentuhan sa mga kapwa professors ni Zerina. Inilagay niya ang kanyang gamit sa cubicle at pagkatapos ay nagtungo na sa opisina ng kanilang Dean.
"Good morning, Dean."
"Good morning, Zerina." Nakangiting bati ng Dean at pinaupo, "Every now and then, you're glowing differently."
Ngumiti naman si Zerina, "Ow, thank you po, Dean."
"May boyfriend ka siguro?"
Muntik masamid si Zerina dahil sa sinabi ng Dean, "Ah, wala po. Pokus po ako sa work at grad school."
"Sabagay. Anyway, I have a special offer for you."
"Special offer?"
"Yes." Napaupo nang maayos ang ginang at pagkatapos ay binigay ang isang file folder sa kanya. "We just got foreign students who successfully enrolled in our university especially in our department. Check their profiles."
Sa loob pala niyon ay mga printed student profiles nila. "Ang gugwapo po hah."
Humalakhak ang ginang, "Kaya nga hindi natin sila matanggihan at talagang gumawa pa tayo ng special program para sa kanila."
Napatigil sa isang partikular na estudyante si Zerina. "Wait."
Ibarro Cebal Basco-Mullen
Naalala niya ang binatilyong nakausap niya noon. Binalikan niya ang ibang mga profiles na nabasa.
Parang mawiwindang si Zerina dahil kinukutuban siya lalo pa at parang nahahawig ang mga nagguwa-guwapuhang mga lalaking ito sa mga magulang na nakilala niya noong isang araw.
Keilaun Cebal Basco-Mullen
Mahlgon Cebal Basco-Mullen
Alfonse Cebal Basco-Mullen
Chance Wesley Eizaguirre-Rusch
Blaise Chandler Eizaguirre-Rusch
"Nakikilala mo sila, professor?"
Napaangat ng tingin si Zerina, "Ah, hindi po. Pero itong si Ibarro, nakita ko siya one-time po and he actually asked me about our graduate school programs."
"Yes, lahat sila ay mga graduate students. Ang babata no? Pero mahal ang pag-aaral."
"Ahm, bakit niyo po ako pinatawag?"
Kinakabahan si Zerina, parang hindi niya yata magugustuhan ang sasabihin ng Dean, dahil alam niyang may kinalaman sa mga heartthrobs na ito ang sinasabing special offer.
"Well, we will be de-loading you in exchange of handling special classes for these students."
"P-Po?"
![](https://img.wattpad.com/cover/348016500-288-k882784.jpg)
YOU ARE READING
Not Even Death Do Us Part
FantasyZerina was twelve years old when she became an orphan. Her parents died when they were onboarding on a ferry that caught fire at the sea, and it was only her who survived. Hindi pa rin malaman ni Zerina kung paano nga ba siya nakaligtas sa trahedyan...