8

104 4 1
                                    

8

Dumami pa ang mga nakababahalang pagkamatay ng mga ilang mga kabataan sa iba't ibang parte ng ka-Maynilaan.

Pagkarating nga ni Zerina sa isang klase niya ay may nag-iiyakan sa mga estudyante niya.

"Anong nangyayari?"

Hindi siya agad nag-umpisa dahil sa dalawang babaeng students niya na umiiyak. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalawa.

"Prof, di ba po almost a week ng absent si Luisa?"

Natatandaan ni Zerina ang nasabing pangalan, sa katunayan nga ay napatawag na nito ang guardian ng bata at nasabi ngang malubha raw ang sakit nito. "Oo, ano bang nangyayari? Girls, what's wrong?"

"Ma'am Zerina, s-si Luisa po." Sambit ng isang babae, ang alam ni Zerina ay kaibigan ng dalawang ito si Luisa. "W-Wala na po si Luisa."

"What?" Nagugulantang na sambit ni Zerina.

"Ang sabi mangkukulam daw po yung may gawa nun sa kanya." Dagdag naman ng isa at nag-iyakan silang lahat.

"Nababalitaan niyo po ba, Ma'am?" Lumapit ang isang estudyante niyang lalaki, ito ang class representative ng block na iyon.

"Ang alin Markus?"

"Yung mga mystery deaths po ng mga bata at teenagers po? Yung from Batangas, Isabela at ngayon po dito sa Manila. Parang ganun po kasi yung nangyari kay Luisa."

Nahintakutan naman si Zerina sa kanyang nalaman, at mas lalong nakukumbinsi si Zerina na parang isang malaking misteryo ang nangyayari lalo pa at nakita niya ang katawan ni Luisa nang dumalaw ang mga kapwa professors niya sa burol ng kanilang estudyante.

"Nagbigay naman po ng gamot ang mga doctors niya. Based on her results, she lost a lot of blood. Maraming tests ang ginawa kasi baka dengue raw o anemic siya. Pero, b-bigla, nawala na lang po ang aking anak, Dean."

Nahabag ang mga kasamahan ni Zerina dahil sa kuwento ng ina ni Luisa sa kanilang Dean.

"Hindi maexplain ng mga doctors. Ano pa bang iisipin natin?" Sambit ni Maribelle nang makaalis na sila sa chapel kung saan nakaburol ang kanilang estudyanteng si Luisa.

Kanya-kanyang uwi na sila pero si Zerina ay nag-aalala naman dahil hindi sinasagot ni Franco ang tawag niya. Sa katunayan nga ay kagabi pa niya huling nakausap ito, at tapos ay hindi rin nakapasok ngayon.

"I think I'll just check his house."

Nadatnan niyang bukas ang mga ilaw. Nakababa na ng sasakyan si Zerina at muling tinawagan si Franco pero ngayon ay naka-off na yata ang phone nito.

"Is he okay?"

Sarado ang malaking gate pero ang maliit na gate ay hindi nakasara kaya naman pumasok na si Zerina dahil batid niyang nasa loob si Franco.

Kumatok-katok si Zerina sa main door, "Franco? Are you there?" Muli ay kumatok siya ng ilang beses. "You're not answering my calls."

Nakarinig si Zerina nang kaluskos. Kinabahan naman siya, "Franco?" Umalis siya sa tapat ng main door at tinangkang sumilip sa gilid ng malaking bahay. Doon kasi nanggaling sa mga bushes ang nadinig. "Franco?"

Hindi na siya nagtangkang lumapit pa roon, sa halip ay bumalik siya sa main door. Kakatok na sana siya nang mabuksan iyon at bumungad sa kanya ang nakangiting si Franco. "Hi, baby."

Pinakatitigan niya si Franco, "What took you so long?"

"I was upstairs."

Humalukipkip si Zerina, "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Hindi ka rin pumasok ngayon."

Not Even Death Do Us PartOnde histórias criam vida. Descubra agora