22

56 3 0
                                    

22

Hindi mapakali si Zerina sa kanyang kinatatayuan at paulit-ulit na sumusulyap sa may daan. "What's taking him so long?" Naiinip na sambit ni Zerina sabay tingin sa kanyang relo. "Ang sabi niya malapit na."

Ilang saglit pa ay narinig niya ang kakaibang tunog mula sa daan. Dali-dali siyang lumingon at lalong nanabik si Zerina nang makita ang kanyang pinakahihintay.

"Oh my God, oh my God! It's really here!"

Napanganga na lamang siya nang pumarada na sa kanyang harapan ang kumikinang at pulang convertible Mustang. Sakay-sakay sa Mustang na iyon ay si Barro na swabeng lumabas sa sasakyan.

"Shit! She's so gorgeous!" Niyakap ni Zerina ang hood ng Mustang.

Humalakhak si Barro, "Definitely a gorgeous one, Tita! Pwede ko bang hiramin 'to kapag may date kami ni Ellie?"

Sinamaan ni Zerina ng tingin ang pamangkin, habang si Barro ay ngumisi lang atsaka tumabi, "She's all yours."

Napatili si Zerina atsaka siya sumakay sa may driver's seat. She bit her lower lip as she carefully caresses the steering wheel. "I love you, Franco."

"Grabe magbigay ng birthday gift si Tito Franco. Sana pala agad siyang nakilala ni Mommy para man lang sana ginawa siyang Ninong ko."

Hindi pinansin ni Zerina ang pamangkin dahil abala siya sa pagtingin sa kanyang bagong sasakyan na iniregalo nga ni Franco sa kanya dahil malapit na ang kanyang kaarawan.

"Aren't you gonna drive her crazy, Tita?"

Nilingon niya si Barro at ngumisi, "Hop on. I'll pick up Livi at her school."

"Sure!" Kaagad sumakay sa may shotgun seat si Barro.

Binuhay agad ni Zerina ang makina ng sasakyan, nang marinig ang pagkabuhay ng Mustang ay pareho silang lumingon ni Barro sa isa't isa at ngumisi. "Ready, my dear nephew?"

Humiyaw si Barro, "Definitely! Let's go!"

Napahalakhak si Zerina nang humiyaw ang kanyang pamangin sabay taas ng mga kamay habang binabagtas nila ang daan.

Marami ang napapatingin sa kanila dahil kapansin-pansin nga naman ang kanyang latest model Mustang. Mas lalo pa silang pinagkaguluhan ng mga tao nang makarating sila sa tapat ng Cresent City University.

"Tawagan ko lang si Livi." Sambit ni Zerina sabay labas ng phone at hinayaan ang mga estudyanteng kuhanan ng litrato ang kanyang Mustang.

"He's so fucking hot."

"His eyes are screaming of his Asian race but they made him more stunning."

Natigilan sa pagkalikot sa kanyang phone si Zerina nang marinig ang sinasabi ng mga kababaihan. Napalingon siya sa tabi at doon ay kita niyang nakasandal na pala sa may pintuan ng shotgun seat si Barro.

Nagmukha tuloy modelo ng Mustang ang pamangkin kahit natural lamang na nakasandal ito sa sasakyan at tutok ang tingin sa may gate ng school.

"Tss. He's stealing my Mustang's spotlight." She said then called Livi. Zerina wiggled at her seat when Livi answered, "Hi, peaches! Where are you?"

"Hi, Mama. I'm about to go out na po."

Napangiti si Zerina, "I'm actually in front of your school to pick you up."

"Really? I'll get there quick."

"Take your time, peaches! See yah!" She ended the call and glanced at Barro who was still looking at the school's gate. "Barro."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Even Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon