18

81 4 4
                                    

18

Nakangiti siya sa magandang babaeng maluha-luhang lumalapit sa kanya.

"I thought I can never see this moment again." The woman held her hand, "Finally, my best friend is getting married."

"Thank you, LA. For being such a good friend when I was Leeandrea and now as Zerina."

Maingat siyang niyakap ni LA, "I'm so happy for you, Zerina. I really am."

Niyakap niya rin pabalik si LA, ang kanyang napiling maid of honor para sa kanyang kasal. "Well, technically, I'm already married."

Tumawa silang dalawa ni LA at muling nagkaharap. Nakangiti ang kaibigan sa kanya, "So you have three weddings then?"

"I know right!" Bumuntong-hininga si Zerina, kunwari ay parang pagod na. "Sa lahat ng bride ako ang pinakapuyat at pagod."

Humalakhak si LA.

Noong nakaraang buwan kasi ay ikinasal na si Zerina kay Franco sa Pilipinas, iyon ay ang kanilang civil wedding. Ngayon naman ay gaganapin ng dalawang beses ang kanilang kasal! Isang seremonya na gaganapin sa bukang-liwayway at isa naman sa gabi.

"Come on! You have such a unique wedding ceremony! Kinilig kaming dalawa ni Juniel when we heard about the sun and moon vows!"

Ngumisi naman si Zerina, "I know. Pero ang exhausting, LA! Wala na akong energy para sa honeymoon namin."

Tinawanan siya ni LA at pabirong sinundot ang kanyang baywang, "Well, Franco could do all the moves naman."

Uminit ang pisgi ni Zerina, "Tumigil ka nga! Lumabas ka nga muna at alamin mo kung dapat ba ay umalis na tayo."

Sumimangot si LA, "I'm not your wedding coordinator!"

Nameywang naman si LA, "But you're my maid of honor of these two weddings."

"Fine! Just stay here!"

Tumatawang pinagmasdan ni Zerina ang kaibigan na padabog na umalis kaya siya ay naiwan muna. Nilingon niya ulit ang sarili sa salamin.

She is wearing a vintage lace wedding dress made by a topnotch designer. Her wedding dress has a conservative slit on the right leg. It has a deep V-neck showing her flawless cleavage line giving her a sultry look on her wedding day.

Kahit ang pagkakaroon lamang ng ganitong kasal ay sapat na para kay Zerina na masabing kahit papano ay isa siyang tipikal na mortal na babae, naghahangad na maikasal sa lalaking mahal niya.

Hinaplos ni Zerina ang kasuotan, "I wonder what he looks like."

Noong civil wedding kasi nila ay simple lamang ang kanilang kasuotan at ngayong gaganapin ang kakaibang seremonyas sa Albania doon nila pinaghandaan ang kanilang susuotin. Tama, sila ay nasa Albania ngayon upang ganapin ang kakaibang tradisyon ng kanilang pag-iisang dibdib.

The Sun and Moon vows is a wedding ceremony where their vows are witnessed by the celestial spirits. This is the reason why this ceremony will be held at the mountaintop of the Mount Tomorr.

This wedding would not be possible without her beloved friend, LA and her precious cousin Juniel. Idagdag pang si Franco Alcubierre lang naman, na asawa na niya, ang kanyang makakasama sa seremonyas na ito.

"Chopper is here. Nandoon na raw sina Galen." Pagbabalita ni LA sa kanya pagkabalik.

Nakaramdam naman ng panlalamig sa kamay niya si Zerina, "Kinakabahan yata ako."

Hinawakan ni LA ang mga kamay ni Zerina, "You don't have to. Nothing's gonna happen except your exchanged of vows with Franco. I can assure you that."

Pinakatitigan ni Zerina ang kaibigan, "Shit. Don't make me cry now. Let's go."

Not Even Death Do Us PartWhere stories live. Discover now