4

121 8 2
                                    

4

"Zerina, substitute ka ulit ngayong Huwebes kay Professor Alcubierre. May iniwan naman siyang seatwork." Anunsisyo ng kanilang Dean.

"Okay po, Dean."

Inaral ni Zerina ulit ang seatwork na pinapagawa ni Franco sa mga estudyante nito. "Bakit ba siya nag-absent ng ganito katagal?" Mahinang bulong niya.

Apat na araw ng wala si Franco. Ang huling pagkikita pa nila ay yung Linggo at hindi na 'to nagparamdam.

Tss. Bakit, Zerina? Obligado ba siyang magpaaalam sa'yo? Di ka girlfriend!

Hindi nga alam ni Zerina bakit tinatamad siya o nalulungkot sa tuwing nababalitaan niyang hindi nakapasok si Franco.

Nagtungo na siya sa klase ni Franco. Nagulat na naman ulit ang mga klaseng ito dahil siya ulit ang pumapasok, estudyante din kasi ito ni Zerina sa ibang subject.

"Ayun oh, motivated kami ulit Prof!" Pang-aasar ng mga lalaki niyang estudyante.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito, "Tumigil nga kayo. Gawin niyo 'to!" Gigil niyang binagsak sa lamesa ang mga photocopied worksheets, natakot ang mga estudyante at dali-daling umayos at ginawa ang seatwork.

"Dean, natapos na po ng mga bata yung seatwork nila kay Fr- Professor Alcubierre."

Ngumiti ang ginang, "Ilagay mo na lang sa office niya, pinabukas ko dahil nga para mailagay niyo yung mga 'yan."

"Okay po, Dean."

Nagpunta si Zerina sa opisina ni Franco. Balot ng amoy ni Franco ang buong opisina nito. "Tss." Inis na nilagay niya sa lamesa nito ang mga papel tapos ay umalis na rin.

Pagkauwi niya ay ramdam niya ang pagkapagod kahit pa sub lang ang ginawa niya ngayon dahil iisa lang ang klase niya para sa Huwebes.

"Biyernes pala bukas." Ang nakabusangot na mukha ay unti-unting napalitan ng tuwa. "Makikita ko naman siya bukas."

Dali-dali siyang naligo, nagpatuyo ng buhok tapos ay excited na excited na nagpunta ng kama at pinikit ang mga mata. "Okay. Sweet dreams sa atin, Zerina. Sweet dreams." Nakangiting sambit pa nito.

Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog pero ang kakaibang init at pintig sa pagitan ng kanyang mga hita ay nagpagising sa kanya.

"Shit." Gigil niyang hinihinila ang damit na para bang lalo siyang umiinit dahil doon. "Damn it! It's so hot!"

Tinanggal ni Zerina ang shirt. Pero lumiliyab pa rin ang buong katawan at mas lumalakas ang pintig sa pribadong parte ng kanyang katawan, pati ang kanyang dibdib ay parang may namumuong sakit.

"Ugh."

Nahulog na sa kama si Zerina, hindi malaman ang gagawin.

Pagdilat ng kanyang mga mata ay kataka-takang alas dose na ng madaling araw. "Shit. Shit. Shit. I've never dreamed of him!"

It's Friday! Fuck, I'm awake but damn it!

Humalinghing si Zerina at pilit inaabot ang phone. Kumikinang ang kanyang mga balat dahil sa matinding pawis, basang-basa na rin ang buhok. "Fuck!"

Tumakbo siya patungong banyo, dali-daling binuksan ang shower. "Shit! Ang init pa rin!"

"Hello? Zerina, what's wrong?"

She heard a voice and there she forgot that she was holding her phone and it's getting wet. "Franco!" Napahandusay na siya sa tiled flooring ng shower area. "A-Ang init, Franco!"

"I'm on my way, baby. Just hold on, baby."

Napasigaw si Zerina dahil hindi maibsan-ibasan ang init, naroong lumabas pa siya at kinuha ang tatlong ice cube molder at bumalik sa banyo.

Not Even Death Do Us PartWhere stories live. Discover now