5

125 9 2
                                    

5

Pawis na pawis si Zerina matapos ang two laps ng kanyang running routine. Kapag alas onse pa lang kasi ang pasok ni Zerina ay maaga pa rin siyang gigising para magawa ang kanyang jogging routine.

Lakad na lamang ang kanyang ginagawa habang pabalik sa apartment.

"Hello, Zerina!"

Napangiti siya nang makasalubong ang dalawang mag-asawa na umuokupa ng unit din sa lugar kung saan nakatira si Zerina.

"Good morning, lovebirds!" Lumapit siya sa mga ito. "Kamusta?" Nginuso ni Zerina ang tiyan ng babae. "May laman na ba, Lyca?"

Sampung taon na kasing mag-asawa ang kapitbahay niyang ito, si Lyca at William, at lahat yata ng mga kapitbahay ay excited na magkaanak ang mga ito.

Malungkot na umiling ang dalawa. "Mahihirapan na raw talaga kami." Sagot ni William.

Nalungkot din si Zerina. Bukod kasi sa mid-30s na kasi nang mag-asawa ang dalawa ay nagkaroon ng ovarian cancer si Lyca noong dalaga pa ito kaya kinailangan tanggalin ang isang obaryo nito.

Hinawakan ni Zerina ang tiyan nitong si Lyca, "Alam kong magiging mabuting mga magulang kayo. Kaya sana, magkaroon na kayo ng baby."

Hinawakan ni Lyca ang kamay ni Zerina, "Magdilang-anghel ka sana, Zerina."

Pagkatapos niyon ay inaya pa siyang mag-almusal ng mag-asawa, hindi naman nakatanggi si Zerina dahil makulit ang mag-asawa kaya naman nakalibre siya ng almusal ng umagang iyon.

Nang bumalik siya sa second floor ay muntik siyang mapasigaw dahil nadatnan niya si Lori na humahagulgol sa labas, sa tapat ng pintuan kung saan nakatira ang kapit-bahay niyang ito.

Napailing si Zerina dahil batid niyang alam niya ang rason bakit ganito na naman ang sitwasyon ni Lori, "Lori."

Napangiwi si Zerina dahil sa nagkalat na mascara nitong si Lori tapos ay napupuno pa ng mga pimples ang mukha nito.

"Iniwan ka na naman?" Lumapit si Zerina sa babae at naupo sa harapan niya.

"Zerina!" Pagngawa nito. "I-Inubos yung pera ko, pati savings ko naubos kay Raul!"

"Hay! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kilatisin mo naman yung mga nanliligaw sa'yo!"

Kinapa-kapa ni Lori ang sariling dibdib tapos ay mukha, "Sabi niya tanggap niya ako kahit hindi raw malaki 'to!" Tinuro pa nito ang dibdib, "Tapos ito..." tinuro ang mukha, "maganda pa rin naman daw ako! Pero bakit iniwan pa rin ako?"

Napabuntong-hininga si Zerina at niyakap ang kawawang kapit-bahay, "Magpahinga ka na muna."

"Gusto kong maging kasingganda mo Zerina, gusto ko rin ng boobs! Malaking boobs!"

Napailing si Zerina, "Mag-ipon ka kung ganyan ang gusto mo."

Hinarap siya ni Lori na nakalabi tapos ay pinakatitigan ang mukha niya, "Paano ba ako magkakaroon ng ganyang mukha, Zerina? Dasalan mo nga ako." Hinila nito ang kamay ni Zerina at tinapat ang kamay sa dibdib.

Dali-daling binawi ni Zerina ang kamay. "Lori, kadiri ka! Baka akala nila lesbiana ako!"

Nakonsensya si Zerina dahil sa paninigaw kay Lori at muling humagulgol ito. "Desperada lang ako!" Iyak nito.

"Hay naku. Umagang-umaga, gumagawa ako ng mga weird na bagay."

Nandidiri man ay pinatong niya ang dalawang palad sa magkabilaang dibdib ni Lori, "Geez, parang likuran mo lang." Umiyak lalo si Lori, "Sorry." Body shaming ka, Zerina. Siraulo ka. "Ahm, diyosa ng kagandahan. Pakibigyan ng boobs 'to." Tapos ay hinawakan sa mukha si Lori, "Paki-bigyan din ng glass skin."

Not Even Death Do Us PartWhere stories live. Discover now