3

115 10 2
                                    

3

Kinaumagahan ay hindi naman maintindihan ni Zerina ang sarili kung bakit sobrang tagal niyang nakaharap sa salamin at nag-aayos.

Ultimo pagpili ng damit ay sobra siyang nahirapan. Nagkasya na lamang si Zerina sa kanyang camisole top at faux wrap skirt. Sobrang init kasi at gusto niya ay yung medyo mapreskong kasuotan.

Inisahang puyod niya ang kanyang buhok kaya naman maaliwas na tignan ang kanyang maamong mukha. Inaayos niya ang kanyang mga gamit sa isang handbag nang makatanggap ng tawag mula kay Franco.

"Hello. Nandiyan ka na ba?" Tanong ni Zerina.

"Yes, nandito na ako sa tapat ng pintuan mo Zerina."

"Ano? Bakit di ka magdoorbell?"

Nagtungo si Zerina sa kanyang pintuan. Pagkabukas sa pintuan ay sumamyo palapit sa kanya ang presko at swabeng amoy ni Franco.

Pinagmasdan ni Zerina si Franco.

Kung titignan ay parang isang rugged version na anghel si Franco dahil sa tikas at tangkad nito. Gwapong-gwapo ito sa kanyang polo shirt na nakatuck in sa kanyang khaki pants.

"Good morning." Bati ni Franco sa kanya at inalis na sa tenga ang phone na nakadikit doon.

"Good morning, ahm. Inaayos ko lang yung gamit ko." Nilapad ni Zerina ang pintuan. "Ahm, yuko ka na lang." Nahihiyang sambit ni Zerina dahil sobrang tangkad nitong si Franco at mukhang mauumpog kapag papasok.

Pagkapasok ni Franco ay pinaupo muna ito ni Zerina sa may couch sa sala tapos ay bumalik sa kwarto upang mabilisang isaksak sa bag ang lahat ng mga gamit, tapos ay isinara iyon.

"Sorry. Ahm, tara na? Ay, teka. Yung sandals ko."

Nagpunta sa may shoe rack si Zerina upang kuhanin ang wedge sandals nito.

"Let me."

Laking gulat niya dahil nasa likuran pala nito si Franco. "Hah? Ako na."

Umiling si Franco at iniupo siya nito sa seat part ng shoe rack niya. Umagang-umaga ay pinapakaba siya ni Franco lalo pa at lumuhod ito at pinasuot sa kanya ang sandals.

"Salamat. Hindi mo naman kailangang gawin 'to." Sambit ni Zerina na inalalayan pa ni Franco na makatayo.

"Are you good now?" Franco asked.

"Mmm."

Nang makita ang sasakyan ni Franco ay naexcite si Zerina. Siyempre, hindi basta-basta ang sasakyan ng lalaki kaya naman tuwang-tuwa si Zerina habang bumibiyahe sila.

"Saan tayo pupunta?"

"My house."

"WHAT?!"

Hindi mapigilang sumigaw ni Zerina, tinawanan naman siya ni Franco. "Zerina, mukhang hindi muna kita ipagtitimpla ng kape. You easily get nervous or shock."

"Bakit mo naman ako dadalhin sa bahay mo? Akala ko ba for research."

"For research nga. My house has a library. What are you thinking?"

Kumalma naman si Zerina. "Nothing." At naupo nang maayos.

Humalakhak si Franco, "Hmm. I don't think so. Hindi ka magrereact ng ganun kung walang nagtrigger sa'yo."

"Nasosobrahan lang talaga ako sa kape."

"I see."

Upang hindi mainip ay nagsimulang magtanong-tanong si Zerina tungkol kay Franco. "Ilang taon ka na?"

Not Even Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon