Chapter Twenty

12 1 2
                                    

JONAH

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Konting lakad lang namin ay nakatanaw na agad kami ng baryo sa malayo. Rinig na rinig namin ang ingay mula roon at may mga usok din na nanggagaling sa mga bahay.

Kung may usok... Edi baka may niluluto! Edi may pagkain!

My stomach immediately growls. Katabi ko ngayon si Ate Selene pero mukhang wala naman siyang narinig kasi titig na titig din siya baryo sa kalayuan. I feel my ears and cheeks flush in embarrassment as I hug my own tummy.

Okay naman 'yung isdang nahuli nila Kuya at Liam kagabi. Mataba pa 'nga eh. Kaso sadyang hindi 'yun sapat para sa aming gutom na gutom na.

Isang daliri ang biglang tumusok sa ulo ko. "Argh!" Sabi ko at nilingon si Kuya. Nakasaklay pa rin siya na binigay ni Stefan kanina at mukhang nakukuha na agad niya ang paggamit nito kahit ilang minuto palang niya nagagamit. "Ang sakit naman 'nun Kuya eh." Hinimas himas ko ang parteng dinali niya.

"Hinang nilalang mo naman." Bulalas lang ni Kuya. "Woman up."

Hindi ko siya sinagot at sinamaan lang siya ng tingin, nang nagtanong siya. "Na ano 'yang tyan mo? Natatae ka?"

"Kuya!"

"Sinong natatae?" Malakas na tanong ni Ate Selene. Napalingon tuloy 'yung iba na nangunguna na! "Si Jonah? Pwede dito sa mga damo."

"I have a cape!" Pagpresenta ni Ate Jessa at naglakad na pabalik sa amin. Napatakip ako ng mukha. Ano ba 'yan! "You can use this to cover her."

"Hindi!" Sabi ko na. Nilingon ko ulit si Kuya at sinamaan siya ng tingin. Kung sipain ko kaya 'yung saklay niya? "Hindi po ako natatae. Hindi rin po sumasakit tyan ko. Nagugutom lang po ako!"

Si Ate Jessa naman ay handa nang alisin ang cape niya, kaya dahan dahan niya 'yon binitawan. "Ah." Sabi niya pa at marahang tumango. "Akala ko may natatae na eh."

"I was ready to stand guard." Tumatawa na sabi ni Liam.

"There's nothing to be ashamed of if kailangan mong dumumi." Sabi ni Stefan at pumamewang din na akala ko mo ay isang Math teacher. "We find ways."

I facepalm. "Hindi po talaga ako natatae. Promise. Now can we go?"

Sabay sabay silang tumawa at muling naglakad. Si Ate Jessa ay nangunguna sa amin, guiding us in our route towards the west. There's a comforting warm feeling that shrouds my chest everytime I look at her, or to Ate Selene, Liam, Stefan, and especially my brother. I like how I can depend on any of them.

Lalo kay Ate Jessa. There's so much uncertainty following us in this universe, but her character holds such assurance which can guide us out of here.

I wouldn't even be surprised if Princess Blaidrah is the main character of this storyline.

Liam is cool too, with his silent but fearless attitude that adds up to Hurawn's archery, Ate Selene is unstoppable with her insane enhanced senses, Stefan is basically unbreakable with his unwavering attitude and strong hard scales.

Si Kuya naman ang parang pinakamatatag na haligi namin pagdating sa depensa. Sadyang mabangis na itong si Kuya kahit dati pa, lalo pa ngayong nagkaroon kami ng kapangyarihan. Sadyang masakit magsalita kung minsan.. Pero minsan, iba pa rin ang lukso ng dugo, ano? My brother went through alot, and I am the only one who can understand him in this world.

I want to be just like our Mother.

Finally, nakarating na kami sa bungad ng isang baryo.

An arch made out of wood curved perfectly at the entrance with tall brick walls stretching out on both sides. There are letters mounted at the arc, with faded out white paint. But despite the obvious out-of-date appearance, the words are still cannot be missed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon