10 - Jealous

67.7K 1.8K 823
                                    

Date published: 04/23/2016

A/N: If you guys don't like fast burn dramas/romance, then i don't recommend my stories.



SAMANTHA


"Hija, where are you going?" ito ang salubong sakin ni mama pagbaba ko ng hagdan. It's weekend kaya nasa mansion ako ngayon.

"Hi ma." lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hindi ka ba pupunta sa IBN? Your manager called me, hindi ka raw niya ma-contact."

"Ma, it's saturday. Alam ni Kiel na day off ako every weekend."

Tumango siya bago niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Where are you going, young lady?"

I smiled sweetly at her. "Nag-papasundo sakin si Jan sa NAIA, she just came back from New York. Naiinis na nga siya e, ang dami kasing taga media kumakaundaga sa kanya 'don. May jetlag pa 'yon."

"Oh, dumating na pala ang pinsan mong 'yon?"

"Yep," sagot ko bago nag-paalam.

Pagpasok ko sa aking kotse ay agad kong tinawagan si Janella sa cellphone nito. Naghintay ako saglit bago nito yun sinagot.

"Where the hell are you!?" yun agad ang bungad niya sakin sa kabilang linya.

"Hi bitchy." bati ko rito sabay tawa. "I'm already driving my way there, relax ka lang."

"Anong relax? Hello, i've been waiting here for almost thirty minutes now. Gosh! kinakain na ako ng mga media dito." Janella is an international model kaya hindi kataka-takang pag-pipiyestahan siya ng mga ito.

"I'm already here duh." malapit lang kasi yung airport sa'min kaya nakadating agad ako. I stopped the car in the middle of the main exit when I saw my cousin there. "Nandito na ako, halika na. Run for your life."

Mabilis tumakbo si Janella sa mga taong nakapaligid sakanya at dali-daling pumasok sa loob ng kotse ko. She looked relieved but later she got pissed.

"I really hate those media freaks, paano ba nila nalaman na dadating ako? Daig pa nilang Dispatch korea ah."

"Malay ko ba. Ako nga e hindi ko alam na dadating ka pala. Kung hindi lang ako tinawagan ng Kuya Javy wala akong kaalam-alam." i was referring to her older brother.

Janella let out a heavy sigh. "Actually, biglaan lang 'to. Wala naman kasi sa plano ko 'to e."

"So, what's your reason?"

Matagal bago siya sumagot.

"Vacation."

Nagsalubong pareho ang kilay ko. I'm not convinced. "Bakasyon ba talaga ang rason mo? I know you so much brat, hindi ka basta-basta umuuwi ng pilipinas ng hindi man lang nagsasabi samin dito."

Janella went silent.

So, my dear cousin has a problem.

"Ano ba kasing problema?" seryoso ko siyang sinulyapan. "Spill the tea on me. Hurry up."

She sighed again. "It's about Merideth, Sam."

Napakunot-noo ako. I know the person she was referring to. It's Merideth Suelwertz, ito lang naman ang girlfriend niya.

"What about her, may nangyari ba?"

Matagal ulit bago siya nakasagot.

"We broke up."

Napa-break ako bigla sa pagdrive, muntik pa siyang masubsob sa dashboard dahil sa lakas ng impact.

"What the fuck, ang OA naman ng reaction mo." inis na singhal niya.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon