29 - Night Out

43.7K 1.1K 172
                                    


"Truth or dare?" sabay-sabay na tanong namin kay Ava na kasalukuyang nag-celebrate sa ika dalawangput-pitong taong kaarawan nito.

Nakapalibot kaming anim sa isang bilog na hugit at sa gitna 'non ay ang isang empty bottle ng wine. We are in a private yacht na pagmamay-ari ng family ni Ava. It's a dying moment of an all night party. Everyone decided to make a last trip down memory lane by doing something really juvenile--Ang spin the bottle na siyang paboritong laro namin tuwing girl's night out.

We decided to play this kind of game after the wild session earlier when Ava's girlfriend Trixie hired a male role player to play as a stripper to dance infront of us.

Tawang-tawa kami sa itsura ni Ava kanina, inakala kasi nitong totoong male stripper ang pinadala namin. Mabuti nalang at na-convinced namin ang barkadang lalaki na isa ring actor na si Rico Severano para gumawa 'non.

"Oh wait guys i need to answer this call." ani Trixie, tumayo ito saglit upang sagutin ang tawag.

Anyways habang naglalaro kami for the next round, kasalukuyang nakatapat sa birthday girl ang bottle at ang rules ng game ay kung sino ang matatapatan ng bote ay siyang mamimili sa pagitan ng "truth" na ang ibig sabihin ay sasagot sa isang tanong, at ang "dare" naman ay ibig sabihin susunod sa isang utos mula sa kalaro.

"Come on, bitch. Truth or Dare?" excited na tanong ni Belle.

"Hmmm dare." matapang na sagot ni Ava.

"Ah ganon?" tawang-tawang si Belle. Excited kami sa ipapagawa nito.

"Throw me the dare hurry up."

"Okay, let see." saglit nagisip si Belle at pagkatapos dumapo ang tingin nito kay Trixie na kasalukuyang abala sa ininom nitong whiskey habang nasa roof deck at may-kausap sa phone.

"Aha! I know." pilya ang ngiti ni Belle nang humarap ulit ito kay Ava. "Look at your girlfriend."

Tumingin naman si Ava kay Trixie. Agad sumilay ang ngiti nito. "And?"

"Try to get her attention by getting that glass on her hands, tapos inomin mo yung laman at ipa-inom mo iyon sa kanya using your mouth."

Ngumiwi ako. Okay that was kinda disgusting. Jeez.

Tila naman tuwang-tuwa si Ava sa dare nito. Mabilis itong tumayo at pumanhik sa itaas. Kami naman ay tawang-tawa na sinusundan ito ng tingin.

"Go, Ava!" I cheered at her. Ilang sandali pa ay nakalapit na ito kay Trixie at ginawa ang dare.

Nagulat si Trixie sa ginawa ni Ava ngunit agad din namang ngumiti saka hinatak si Ava papasok sa loob ng kuwarto.

Now that was fast.

"Hoy! Trixie, ibalik mo siya dito!" sigaw ni Sam na nasa tabi ko, nakaupo sa lap niya ang aso naming si Eunhee.

"Just let them be, it's Ava's birthday, I bet Trixie will give her a mind blowing orgasm." ani Cara na obviously lasing narin habang yakap-yakap ni Belle.

Inabala nalang muna namin ang sarili sa paginom habang hinintay ang dalawa sa itaas, ngunit makalipas ng sampung minuto ay hindi parin bumalik sila Trixie at Ava.

"Ang tagal naman nila ano ba yan." rinig kong reklamo ni Belle. "Now what? sino ang mag-spin ng bottle?"

"Ako na lang." sagot ni Sam, kinuha ko sakanya si Eunhee para maikot niya ng maayos ang bote. Mabilis ang pag-ikot ng bote hanggang sa tumapat ang bibig 'non sa kinaroroonan ni Cara.

"Gotcha!" nanunuksong sambit Sam.

"I hate you."

"Whatever, Truth or Dare?"

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon