40 - Meet again

44.4K 1.1K 682
                                    

GEORGINA


"Welcome back, Georgina. Salamat at tinanggap mo ulit ang offer namin." sabi ng isang network executive sakin pagkatapos ng contract singning. Hanggang ngayon ay tila pa rin ako lumilitaw sa alapaap. Natuwa ako dahil masaya ang salubong sakin ng mga taga IBN. After all these years the network still managed to welcome me with so much delight. I'm so overwhelmed with their sweet and genuine welcome, ang sarap sa pakiramdam.

After ng contract signing ay nagkaroon ng press conference. Masayang nag-paunlak naman ako ng interview. After ng exposure sa media ay nag-paalam na rin ako. Agad akong lumabas ng conference room kung saan naghihintay sa akin si Peter.

"Grabe ka girl, hindi halatang na-miss ka nila." natatawang biro nito. Palakad na kami sa hallway ng IBN.

"I know, I felt that." tugon ko.

"Syempre naman noh, muling magbabalik ang isa sa mga multi awarded actresses ng showbiz. Alam mo bang tinawagan ako kanina ni Direk Cathy? Sabi niya magiging parte ka daw sa main casts ng upcoming tv series nila. O diba ang bongga?"

Napangiti ako at di maiwasang ma-excite.
Pasado alas diyes kaninang umaga nang makabalik ako dito sa manila at si Peter ang sumundo sakin. Labis ang tuwa nito nang magkita kami, at kahit nakadama ng jetlag ay napag-desisyunan kong dumeretso agad dito sa IBN.

"Saan mo balak pumunta ngayon? I thought you're going to visit Ava?" he asked, nasa labas na kami ng building.

"Oo bibisitahin ko sila. I'll go ahead. Just call me okay?"

"Sige, ang driver mo na ang maghatid sayo doon. Bye, biatch."

"Byeee."

Pumasok na ako sa kotse at umupo sa backseat. Nasa gitna na kami ng biyahe papunta sa home address ng kaibigan ko.

Makalipas ng ilang minuto ay narating din namin ang entrance gate ng village. Pinuno ko ng hangin ang baga ko saka inutusan ang driver na ipasok ang minamanehong puting Mercedes-Benz sa loob ng village.

Pagdating ko, napansin kong tila may nagaganap na okasyon doon. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang tatlo sa sampung mga kaibigan ko na masayang nagpi-picture taking sa gitna ng malawak na garden. How can i forget these girls? Kahit incomplete sila at matagal akong nawala ay hindi ibig sabihin 'non ay nakalimutan ko na ang mga itsura nila.

Hinanap ng mata ko si Samantha ngunit hindi ko siya nakita. I feel sad and heavy hearted. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkaharap na kami. Hindi ko rin alam kung magpapakita ba siya sapagkat alam kong galit siya sa akin.

"Manong, Ed, dito na lang ako." utos ko sa driver.

Itinabi naman ni manong Ed ang kotse sa gilid ng kalye.

Bago ako bumaba ay ilang beses muna akong huminga ng malalim. Paglabas ko ng kotse at pagpasok ko sa loob ng gate, mukhang hindi pa ako napansin ng mga kaibigan ko. Lumapit ako sa kanila at tumikhim ng malakas. Nakuha ko ang atensyon nila dahilan para mapalingon sila sa kinaroroonan ko.

"Hi guys." bati ko sa kanila sabay ngiti ng matamis. "Miss me?"

Their eyes grew wide in shock, ilang sandali pa ay pumainlang ang malakas nilang tili.

"Oh my god, Georgy! You're back!" sinunggaban nila ako ng mahigpit na yakap. "We miss you! Gosh! We can't believe you're actually here! Kailan ka pa nandito?"

"I just arrived this morning." Natatawang sagot ko. Isa-isa ko silang beneso at niyakap. Gosh, na-miss ko sila ng sobra.

"Mabuti naman at nakauwi ka na. At last, makikilala mo na rin si Flynn." ani Ava, ibinaling nito ang atensyon sa loob ng bahay. "Baby girl, come here! It's your tita Georgina."

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon