11 - Fun date

65.5K 1.9K 357
                                    

Date published: 04/24/2016

A/N: If you guys don't like fast burn dramas/romance, then i don't recommend my stories.





TUNOG ng phone ko mula sa ibabaw ng nightstand ang nagpagising sakin kinaumagahan. Pikit mata ko yung inabot saka sinagot.

"Hello?" my voice was a little bit of raspy as I answered the call.

"Good morning!" it was Georgina on the other line.
Napadilat ako at napa-upo sa kama.

"Gee?"

"Yeah, ako nga."

"Napatawag ka? May problema ba?" napatingin ako sa digital clock para tignan ang oras. Alas diyes na pala ng umaga.

"Actually wala naman. I just call to remind you about sa lakad natin ngayong araw. Remember the surprise i'm telling you?"

Naalala ko nga yung sinabi niya. "Sure, hindi ko 'yon makakalimutan."

"Great. I'll see you around twelve okay?" kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakangiti siya. Just imagining it makes my heart flutter.

"Noted. Kumain ka na ba?" sumandal ako sa headboard ng kama.

"Tapos na, kanina pa. Ikaw? Nag-breakfast ka na ba?"

"Actually, kakagising ko lang." natatawang sagot ko.

"Oh god, ibig sabihin nagising kita?"

"Hmm, sort of."

"Shocks, I'm so sorry."

"Nah it's alright."

"Uhm sige na ibaba ko na 'to, kumain ka na ha?"

"I will babe,"

"Alright, see you later. Bye." she ended the call.

Ibinalik ko ang phone ko sa ibabaw ng night stand saka bumangon ng kama. Muli kong sinulyapan ang digital clock para tignan ang oras. Thirty minutes past ten am na, grabe ang bilis naman.

Hindi nako nagaksaya ng oras. I went inside to the shower room to freshen up. Habang nasa ilalim ng malamig na tubig ay hindi ko maiwasang imaginin ang magandang mukha ni Gee.

Matapos maligo nagbihis na'ko. I choose to wear a simple casual outfit. A pair of heels, a black skinny jeans and a Gucci designed tank top. Pinasahan ko ng tingin ang sarili sa salamin bago bumaba ng hagdan. Nandito parin ako sa bahay ng magulang ko, pansamantala akong nagstay dito kasi nga nandito yung pinsan kong si Janella.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko ito sa sala. Bahagya pa akong nagulat nang makitang hindi ito nag-iisa. Kasama lang naman nito ang dalawang nakakatanda kong kapatid na sina Sabrina at Savanna.

The hell, anong klaseng tao ba 'tong mga 'to? Sumusulpot lang bigla-bigla. Nung isang araw si Janella, ngayon naman ang dalawa kong kapatid galing amerika. Bakit ba sila nandito? Wala namang okasyong magaganap ah.

Tumikhim ako para agawin ang kanilang atensyon. Agad naman silang tumingin sa direksyon ko. "Kailan pa naging New York ang Pinas?"

"Sam!" bulalas ni Savanna, aka my supermodel sister. She run her way towards my direction and gave me a tight warm hug. Halos mabali pa yung buto ko dahil sa higpit ng yakap niya.

"Aray ate Sav ano ba, hindi ako makahinga."

Agad din naman niya akong binitawan at saka pinagtitigan mula ulo hanggang paa. Sumilay ang isang pilyang ngiti sa labi niya. "Kumusta ka?"

"Okay lang, tao pa rin. By the way, where's Stavros?" tukoy ko sa isa pa naming kapatid at nagiisang lalaki.

"He's on his way." sagot sakin ni Sabrina, a fashion designer.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon