36 - Viral Scandal

40K 1K 1.2K
                                    




"Alam mo ba kung anong gulong pinasok ninyo ha!?" inis na bulyaw sakin ni Kiel. "Ano ba naman Samantha!? Anong sumayad sa kukote niyo at gumawa kayo ng ganon?"

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik habang nakapako ang tingin sa binabasa kong newspaper.

"Hindi ko naman inasahan na hahantong ang kalandian niyo sa ganito. Alam kong gigil na gigil kayo ni Georgina sa isa't-isa pero.....peste naman! bakit kailangan kunan ng video?"

I pretend not to hear anything what my manager said. Hindi siya nakakatulong. Instead of comforting me, heto siya't pinagalitan ako.

"Diyos ko! Hindi ko 'to na carry. Nakaka stress ka'yo." aniya habang sapo ang ulo. "Nakaka loka 'to, promise! Ang sarap nyong bigwasan." sabay upo sa tabi ko.

"Hindi naman siguro alam ng lahat ang tungkol dito sa video namin diba?" tanong ko nang lumingon ako sa kanya.

"Nag-papatawa ka ba? Kung gaano ka hightech ang teknolohiya ngayon ay ganun rin ka hightech ang mga tao ngayon. Malamang alam ng lahat duh!"

Fuck! Paano nangyari 'to?

Inis kong binaba ang hawak kong newspaper saka kinuha ang mga magazines. Agad naningkit ang mata ko sa mga headlines na nakalagay doon.

Daily Magazine Update: Lesbian Sex Scandal?

By: Roan Lim - Chief Editor, Metro Magazine

Rumors spreading, People! Earlier this morning, a video just leaks all over social media; a video that happens to be a SEX tape video between two FEMALE celebrities.

Clever Magazine update: True or not true?

By: Shanna Diaz - Gossip Insider Correspondent

SEX VIDEO ALERT; Philippines Phenomenal Actresses, Georgina Monseretti and Samantha De Rossi's leak sex scandal?

The Buzz Magazine Update: Female Sex Tape?

By: Tim Yap - Social Media Correspondent

IBN's highest paid stars Georgina Monseretti and Samantha De Rossi's SCANDAL!?

Nag-dilim ang paningin ko sa mga nababasa.

"Buwesit! Sino bang hinayupak ang pakana nito!?" Inis kong inihagis ang mga ito sa sahig.

Ugh! Sarap kutusin 'tong mga taga media!

"Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa kaharutan ninyo." Palatak na sagot sakin ni Kiel. "Alam mo bang parehong mapapahamak ang pangalan niyo ni Georgina sa ginagawa niyo?"

Tumingin ako sa kanya. "Sa tingin mo ba inakala kong kakalat 'to? At isa pa napaka-imposible naman at may naka-alam sa private video namin."

"Teka nga. Sabihin mo nga sakin. Kailan at saan ba ito nangyari?"

"It doesn't matter kung saan naganap. Ang importante dapat matigil na'to bago pa 'to malaman ng mga magulang namin." Frustrated na sagot ko.

"Too late for that."

Nanlaki bigla mga mata ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Kiel sighed. "They already knew it."

Hindi agad ako nakapag-salita.
Inis kong sinabunutan ang sariling buhok.

"Bullshit." stress akong tumayo sa couch. "Kiel, do something."

"Wala akong magagawa. The scandal is all over social media. Kahit anong pag takedown ang gagawin namin, may mga gago paring nag rere-upload. It's uncontrollable."

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon