41 - The gift

41.3K 1.2K 741
                                    

GEORGINA



"Bukas ng umaga ang guesting mo sa kabilang station. Ala-una ng hapon pictorial para sa Elite magazine, sa susunod na linggo naman magre-resume ang shoot mo para sa Los Hombres. And last but not the least, your schedule for today's press conference. So there, may one week kang pahinga ngayong buwan."

Imporma sakin ni Peter. Nasa loob kami ng dressing room habang kasalukuyan akong ina-ayusan.

"Ahem! Georgina, nakinig ka ba?" untag niya.

"H-ha?" nabaling ang atensyon ko sa kanya mula sa pagtitig ko sa kawalan.

"Ano ba 'yan. Kanina pa ako nagmo-munologue dito tapos hindi ka pala nakikinig?"

"I'm s-sorry. Wala ako sa isip ko."

"Asus." binalingan ni Peter ng tingin ang make-up sylist na si Beth. "Dzai, pwede iwanan mo muna kami?"

Tumango naman si Beth at saka lumabas ng dressing room.

"Okay, speak up. Ano naman bang ikinagaganyan mo?" tanong ni Peter nang kami nalang naiwan.

"Wala." sagot ko lang.

"Ano ba iyan, huwag mong sabihing nag-kakaganyan ka dahil sa aso mo?" lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. "Come on, George, ngumiti ka nga. Ilang araw nang ganyan."

"Sa tingin mo magagawa ko pang ngumiti pagkatapos nangyari kay Eunhee?" tumayo ako sa stool at kinuha ang pink na collar sa drawer. Mapait ko yung pinag-titigan dahil collar yun ni Eunhee.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung binawian ng buhay ang alaga kong aso, it really breaks me. Si Eunhee lang meron ako dahil ito lang ang isang bagay na tanging napag-papaalala sakin kay Samantha, but sadly pati ito ay nawala sa buhay ko.

"Huwag mo na isipin si Eunhee. Ang daming aso sa mundo, puwedi kang bumili nang kapalit sa kanya."

"Hindi madali iyon, iba si Eunhee. My baby is special." kontra ko sa malungkot na tono.

Double na ngayon ang lungkot ko, isa-isa ng nawala ang mga mahahalagang bagay sa buhay ko. Una, yung girlfriend ko. Pangalawa, yung aso namin. Pangatlo kaya, anong masusunod? Ayoko ng madadagdagan yun. I can't afford to lose another one again.

"Cheer up, George. Anyways, kailangan nating tapusin ang schedule mo ngayon. Remember it's your birthday today." Ani Peter na halatang pinasaya yung boses upang pawiin ang lungkot na aking nararamdaman.

My birthday. Shit, It's my day. Supposedly dapat ako mag-diwang sa saya. Pero magagawa ko ba 'yon? Magagawa ko bang maging masaya sa espesyal na araw ko? Magawa ko bang maging masaya pagkatapos ng mga nangyayari?

Samantha. Gosh, my girlfriend. I miss her so much. Wala akong ibang gusto sa araw na'to kundi ang makita at mahawakan siya. Ang masilayan ang maganda niyang mukha, ang mayakap siya ng buong mag-damag. At higit sa lahat ang mahalikan siya. Ganon ang pangungulila ko sakanya. Desperada na, oo. Pero ganon ko talaga siya kamahal.

"O ba't natahimik ka?" untag ulit sakin ni Peter.

"Don't mind me."

"Samantha again?"

I sighed before nodding my head twice. "Always..."

"Ano ba iyan, hindi maka move on teh? paano na iyan, eh mukhang ayaw na niya sa'yo?"

I glared at him. "She loves me."

"Confident ah!"

Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko lang ang atensyon ko sa ibang direksyon.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon