14th Star

24 9 2
                                    

FOURTEENTH

Unti-unting nilagay ni Levi ang kamay niya sa likod ni Rai hanggang sa tuluyan silang magyakapan. Nakita ni Reena ang bahagyang pagkurba ng mga labi ni Levi kasabay ng mas paglapit pa nito sa ulo ng dalaga.


Levi only smiles because of Rai.


Agad na sumandal si Reena sa pader na pinagtataguan niya. Hindi na niya kayang manood.


Hindi siya makatulog kanina dahil hindi siya sanay na may katabi kaya nang tumayo si Rai ay balak niya sanang sumunod dito pero kinausap nito si Levi kaya nakinig na lang siya sa mga ito habang nagtatago. Hindi niya masyadong naintindihan ang pinag-usapan ng dalawa dahil hindi niya ito marinig nang maayos gawa ng distansya niya sa mga ito.


Nang marinig niya ang yapak ng mga paang patungo sa kuwarto kung nasaan siya ay dali-dali ngunit maingat siyang bumalik sa pagkakahiga na para bang walang nangyari. Habang nagtutulog-tulugan ay nakita niyang pumasok si Levi sa kuwarto. Kumuha ito ng jacket sa bag nitong nasa cabinet at muling lumabas.


Bumangon si Reena at magpapanggap sanang naalimpungatan para makisali sa dalawa pero paglabas niya ng kuwarto ay nakita niya sa teresa sina Rai at Levi. Pinatong ni Levi ang jacket na hawak nito kay Rai habang nakatingin ang dalaga sa kalangitan. Muli, nakita ni Reena ang bahagyang pagkurba ng mga labi ni Levi habang nakatitig kay Rai.


Napabalik si Reena sa loob ng kuwarto. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Alam niyang may crush siya kay Levi pero parang grabe naman yata ang pagkirot ng puso niya sa nakita para maging simpleng crush lang ang nararamdaman niya para sa binata.


Hinawakan niya ang dibdib niya saka huminga nang malamin. Wala lang ‘to. Wala lang ‘to, Reena.


Napalingon siya sa kabilang kama at nakita si Kylo na mahimbing na natutulog. Napangiti siya habang tinititigan ang binata. Magulo ang buhok nito’t hindi naka-brush up katulad ng karaniwang ayos nito. Napakahimbing ng tulog nito na sa tingin ni Reena ay kahit pag-tripan niya ito ngayon ay hindi ito magigising. Napangiti siya saka napailing nang mapagtanto niyang ilang minuto na siyang nakatitig sa lalaki. Gwapo rin talaga ‘tong si Kylo.



Kinaumagahan ay nagprotesta si Kylo at Rai nang sabihin ni Levi na magpa-room service na lang sila kaysa bumaba sa buffet para mag-almusal. Si Kylo lang talaga noong una ang gustong mag-buffet dahil matakaw ito ngunit nang mapagtanto ni Rai na mas marami nga siyang makakain sa buffet kaysa ‘pag magpa-room service sila ay kumampi na siya kay Kylo.


“Puwede ka namang um-order nang marami,” ani Levi habang nakatingin kay Rai. Si Rai lang naman talaga ang nililingon niya sa tatlong kasama.


“Eh, hindi ko pa alam kung anong gusto ko,” sagot ni Rai na naghahanda nang lumabas kasama si Kylo.


“May menu,” turo ni Levi sa menu na nakaipit sa holder sa ibabaw ng lamesa.


Nah, mas okay ‘yung nakikita ko at kukuha na lang ako.” Lumingon si Rai kay Kylo at sinenyasan itong lumabas na sila. “Tara, baba na tayo!”


“Okay!” nakangiti namang sagot ni Kylo saka humarap kay Reena. “Tara, Reena!”


Uh... magpapa-room service na lang din ako. Ayaw ko pa lumabas,” saad ni Reena at sinulyapan si Levi na naglakad papunta sa lamesa kung nasaan ang menu.


Hindi napansin ni Reena dahil nakatingin siya kay Levi pero lumungkot ang mukha ni Kylo. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makita itong malungkot dahil agad nitong pumilit ngumiti nang ibalik niya ang tingin dito.


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now