9th Star

140 111 0
                                    

NINTH

Papasok na sana si Reena sa theater kung saan magaganap ang musical nina Rai nang makita niya si Levi. May kasama itong lalaki at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito kaya naman sandali siyang huminto.

Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad dahil kanina pa text nang text si Kylo kung nasaan na siya pero natigilan ulit siya at napatago na lang mula sa dalawang binata nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.


“Getting involved could gain you a title. A noble title,” narinig ni Reena na saad ng lalaking hindi niya kilala ang boses ngunit alam niyang pamilyar ang itsura nang masulyapan niya ang kabuoan nito kanina.

“You could be a count, a duke... your choice,” dagdag pa nito.


“I’m not interested,” simpleng sagot ni Levi sa may kababaan nitong boses.


“Really?” tanong ng lalaki na may pang-aasar sa tono.

“Even if you’d need it to stay by that girl’s side?”


“I don’t have anything to do with her,” muling diretso’t simpleng sagot ni Levi.


“Oh, Levi, you might as well take an acting class if you’re going to keep on pretending you don’t care.”


Nagulat si Reena nang makarinig siya ng malakas na kalampag kaya maingat siyang sumilip kung nasaan ang mga binata at nakitang hawak na ni Levi ang kwelyo ng lalaki.


“Involve her again in this and I swear I’ll do something you will not like,” seryosong banta ni Levi sa lalaki ngunit ngumisi lang ito at bahagya pang natawa.


“I’m just helping you, brother. Sooner or later, she’ll take that throne and you can’t be together anymore,” kalmado ngunit mapang-asar na sambit ng lalaki at itinaas pa ang kamay sa ere upang ipakitang hindi naman siya lalaban.


Napakunot ang noo ni Reena sa narinig na sinabi ng lalaki.


Brother? At ano bang pinag-uusapan nila?


“They will take her away from you,” saad pa ng lalaki at nabitawan na siya ni Levi. Levi looked unfocused because of what he just heard.


“I don’t want to be involved in that,” saad ni Levi.


“Alright, if you say so. Hayden will take care of it for now but remember that it’s our grandfather who continued the relationship with them, it should be us doing this.”


“Then why don’t you do it? Panigurado namang sa’yo inutos,” sabat ni Levi.


“I would if I wanted to but unfortunately, I won’t gain anything from doing it and I only do things I gain something from. It’d be a waste of my time.”

“And also, because I thought you need it more,” dagdag pa ng lalaki.


“I will never involve myself with that.”


“Not again,” mahinang saad ni Levi na hindi na narinig ni Reena.


“Reena?”


Gulat na napalingon si Reena sa tumawag at nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang si Kylo lang pala ang tumawag sa kaniya.


“Kanina pa kita hini—” Hindi na natapos ni Kylo ang sasabihin dapat dahil agad na siyang hinila papasok ni Reena.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon