2nd Star

217 148 0
                                    

SECOND

Napasilip ulit si Rai sa cellphone niya nang hindi pa rin lumalabas si Levi sa gate.

Bumili pa siya ng isang balut at binasag ang tuktok nito para mahigop niya ang sabaw

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Bumili pa siya ng isang balut at binasag ang tuktok nito para mahigop niya ang sabaw.


Napakrus na lang ng braso si Rai nang mainip na talaga.


Ano ba naman kasi ‘yung lalaking ‘yun, napakatagal maligo!


“Venus Frias!”


Napalingon si Rai sa tumawag ng pangalan niya at nakita ang kamag-aral na lalaki sa isang subject. Anong subject ko nga ba siya classmate?


“Akala mo papalagpasin kita dahil babae ka, ha?!” Galit na hagis ng lalaki ng isang puting envelope kay Rai kaya nagulat ang dalaga. Kinuha ni Rai ang sobre at binuksan. Suspension letter pala ito.


“Ano namang kinalaman ko sa suspension mo?” tanong ni Rai at inabot ang sobre pabalik sa lalaki.


“Anong kinalaman mo? Huh! Ngayon, hindi mo alam kung anong ginawa mo?” marahas na hablot ng lalaki ng sobre mula sa kamay ni Rai.

“Hindi ba ikaw ang nagsumbong na nangopya ako nung test sa Hydraulics?” mayabang na sabi pa niya kaya napataas ang kilay ni Rai sa narinig.


Anong nagsumbong ang pinagsasabi nito? Eh, wala pa nga yatang isang segundo kung dumapo ang tingin ko sa kaniya at saka siya na nga ‘tong nangopya tapos parang siya pa ‘tong akala mo naagrabyado?!


“Hoy! Kung sino ka mang Pontio Pilato ka, hindi ako ‘yung nagsumbong sayo. Hindi porque kasama ako sa disciplinary squad, ako na ‘yung nagsumbong sayo. At saka ikaw na nga ‘tong nangopya, ikaw pa ‘tong galit? Hindi ka man lang ba nahihiya?” sagot ni Rai sa binata na mas ikinagalit ito kaya susugod na sana ito sa kaniya pero bigla ring natigilan.


Nakita ng lalaki si Levi na biglang sumulpot mula sa likod ni Rai. Hindi na niya napigilan ang sariling lumapit kay Rai nang susugod na sana siya rito kaya buti ay agad na nahawakan ni Levi ang braso niya.


“Ako ang nag-report sayo,” tipid na saad ni Levi at hinarap sa kaniya ang lalaki. Mukhang nagulat ang lalaki nang makita siya at tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso nito bago ito lumayo nang kaunti.


“Mayabang ka porque Del Fierro ka, eh anak ka lang naman sa labas!” dura ng lalaki sa lapag at nilagpasan na si Levi.


Nagulat si Rai sa narinig kaya napalingon siya kay Levi na nakatingin lang nang diretso sa lalaki. Tila hindi ito apektado sa ibinatong paratang sa kaniya.


Anak sa labas? Anak sa labas si Levi?


“Violation ang pagdura sa public spaces within the school premises. Dumiretso ka sa office kung ayaw mong madagdagan ang penalty mo.”


Rewrite The StarsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora