5th Star

215 142 0
                                    

FIFTH

Tahimik na pinagmasdan ni Reena si Venus Frias pati na rin ang mga lalaking lumapit dito. Nagulat si Reena nang makitang isa sa mga lumapit na lalaki kay Venus ay nakasuot ng jersey na may nakalagay na ‘Del Fierro.’


Kapatid ba ‘to ni Levi?


Pinagmasdan ni Reena ang lalaki. Gwapo rin talaga ito at ang puti ngunit walang makitang resemblance ang dalaga sa kanila ni Levi siguro dahil mukha talaga itong foreigner gawa ng blonde nitong buhok at kakaiba pa ang mata nito dahil para silang purple. Naka-contact lenses yata at baka hiniram niya ang jersey ni Levi.


Nagulat si Reena nang makitang biglang hinila ni Kylo si Venus Frias palayo. Gulung-gulo siya sa nasaksihan. Anong nangyayari? Magkakilala ba sila?


Agad na tumakbo si Levi kasunod nina Kylo at Venus at nawala na silang tatlo sa paningin ni Reena. Hindi alam ni Reena kung susundan ba niya ang mga ito o ano pero nang makapagdesisyon na siyang sumunod ay nakita na ulit niya si Levi. Wala itong kasama ni isa kanila Kylo at Venus. Nasaan kaya pumunta ‘yung dalawang ‘yun?


“They know each other?” tanong ng isang lalaki kay Levi nang makabalik na ‘to kung nasaan sila pero hindi ito sumagot. Dumiretso si Levi sa tapat ni Reena kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga. Sobrang lapit niya kay Reena na hindi na ito makahinga nang maayos sa sobrang kaba.

Kinuha niya ang bag niya saka naglakad ulit pababa kung nasaan ang ibang ka-team niya. Pinagmasdan lang siya ni Reena habang inaayos niya ang gamit niya. Hindi talaga maiwasan ni Reena na mapatitig dahil ang gwapo niya talaga. Hindi siya ngumingiti pero ang attractive niya. Naisip tuloy ni Reena. Siguro ‘yun ang charms niya.


Nakita ni Reena na umupo si Levi at mukhang naghihintay. Panay ang tingin nito kung saan pumunta sina Venus at Kylo kanina. Hinihintay ba niyang bumalik sila?


Napalingon si Reena sa daan na kanina pa sinusulyapan ni Levi nang bigla itong tumayo at saka dire-diretsong naglakad palayo. Nakita naman ni Reena sina Venus Frias at Kylo na pabalik na. Sumunod si Venus Frias sa daang dinaanan ni Levi at dumiretso naman si Kylo kung nasaan si Reena.


“Magkakilala kayo?” tanong Reena kay Kylo pagkakuha nito ng bag nito. Wala nang tao kaya mukhang nagsi-alisan na ang mga nag-training kanina.


“A-Ah... oo,” tipid na sagot ng binata saka inabot ang kamay niya kay Reena upang tulungan itong tumayo kaya inabot naman ‘yon ng dalaga at tumayo na nga.


“Tara na. Saan mo gusto kumain?" tanong ni Kylo at nauna nang maglakad.


Nang makaraan sila sa tinambayan sandali ni Levi kanina ay nakita ni Reena ang towel na ginamit nito kaya naman kinuha niya ‘yon. Napalingon si Kylo sa kaniya at mukhang nagtaka nang makitang may hawak siyang towel.


“Kanino ‘yan?” tanong ng binata saka lumapit.

“N-Nakita ko lang,” sagot ni Reena at kinuha na ni Kylo ang towel.


“Kay Del Fierro yata...” dagdag pa ni Reena.


“Sinong Del Fierro?” tanong ni Kylo at ibinalik ang tingin sa dalaga.


“Sino pa ba?” sarcastic na sagot ni Reena.


Para namang napakaraming Del Fierro rito. Hindi ba niya kilala mga teammates niya?


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now