3rd Star

223 148 0
                                    

THIRD

Ilang araw na ring laging magkasama sina Reena at Kylo at kung magiging totoo talaga ang dalaga sa sarili niya ay aaminin niyang sakit sa ulo ang binata.


“Reena!”


Napalingon si Reena sa pinto ng silid at nakita si Kylo na kumakaway-kaway sa kaniya. Sinara na ni Reena ang notebook na binigay sa kaniya ni Caden at inayos ang mga gamit niya saka lumabas ng silid-aralan. Ilang araw na rin siyang sinusundo ni Kylo pagkatapos ng klase dahil pinapasama siya nito sa mga kalokohan nila. At oo, nila. Nila ni Milo na kasing pasaway din nitong si Kylo.


“Hi, Reena!” Biglang sumulpot si Milo mula sa likod ni Kylo.


“Nandito ka na naman? ‘Di ba taga-Saint Gabriel ka? Doon sa tapat? Bakit nandito ka na naman?” nakapamewang na tanong ni Reena. Masama na kung masama siya kay Milo pero para sa kaniya ay grabe rin kasing wild ng utak ng binatang ito pagdating sa kalokohan. Ang hirap na ngang i-manage ng kakulitan ni Kylo nang ito lang mag-isa tapos dinagdagan pa nitong si Milo.


“Bakit parang ayaw mong nandito ako?” pout ni Milo at pinaglaruan ang kamay niyang nakagloves.


Isa pa ‘yan sa mga hindi maintindihan ni Reena. Ang init-init ngunit laging nakasuot ng gloves itong si Milo. ‘Yung gloves pa nito ay ‘yung makapal na pang-winter sa ibang bansa, eh ang init-init dito sa Pilipinas. Si Reena ang naiinitan para sa binata kapag nakikita niya ang gloves nito.


“Anong parang? Ayaw ko talaga!” sagot ni Reena kaya naman ngumiti nang pagkalawak-lawak si Milo.

“Mas lalong ayaw mo, mas lalong gusto ko!” ngiti niya at hinila na nila ni Kylo si Reena.


Kilala itong si Milo hindi lang sa Saint Gabriel University o SGU kung hindi hanggang sa Saint Michael University (SMU) bilang The Ultimate Rule Breaker. Kung ano ang bawal, ‘yun talaga ang gagawin kaya malamang no’ng sinabi ni Reena na ayaw niya ay mas natuwa pa ito dahil mang-aasar pa ito lalo.


“Saan na naman ba tayo pupunta?” tanong ni Reena habang hinihila siya ng dalawang binata.

Maraming tao ang tumitingin sa kanila dahil may kasama si Reena na dalawang gwapo pero malamang ay lingid sa kaalaman ng mga taong ito ang sobrang kakulitan nitong Kylo at Milo na ito.


“Wala naman! Diyan lang sa tabi-tabi!” sagot ni Kylo habang hila-hila pa rin si Reena.


Ito na naman tayo sa wala lang, eh.


Kahapon ay ganitong-ganito rin ang sagot nina Kylo at Milo sa kaniya ngunit nang makarating na sila sa pupuntahan nila ay nag-trespass sila sa isang private property kasi gustong makita ni Kylo ‘yung rose garden doon kaya lang sarado kaya itong si Milo ay nagpasimuno na akyatin nila ‘yung bakod.


“Ayan na naman kayo sa wala lang, eh. Kahapon nga muntik na tayong makulong dahil sa pinaggagawa niyo,” ani Reena.

“Nag-enjoy ka rin naman, eh,” ngisi ni Milo kaya inirapan na lang siya ni Reena.


Nag-enjoy nga ako dahil maganda ‘yung rose garden pero ayaw kong makulong, ‘no!


Paano ba naman, nakita sila ng bantay at buti na lang talaga ay hindi sila nahabol kung hindi ay nasa presinto na silang tatlo ngayon.


“Nandito na tayo!” sabi ni Kylo at pumasok sila sa isang coffee shop.


Teka, coffee shop? Ibig sabihin... walang kalokohang gagawin ‘tong dalawang ‘to? Wala naman siguro silang magagawang kalokohan sa coffee shop, ‘di ba?


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now