8th Star

161 115 0
                                    

EIGHTH

Hinawakan ni Reena ang noo ni Kylo na mukhang ikinagulat nito. Namula ang mukha ni Kylo habang nakatitig kay Reena at hindi naman iyon napansin ng dalaga. Kaninang umaga ay nilalagnat si Kylo ngunit nagpumilit pa ring pumasok kahit pinigilan na siya ni Reena at ngayon ay magti-training pa siya.


Napahinga nang malalim saka napailing si Reena nang maramdamang medyo mainit pa rin si Kylo.


Ang tigas talaga ng ulo, sarap iumpog sa pader para tingnan kung alin ang mas matibay.


“B-Bakit?” tanong ni Kylo.

“Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabing huwag ka na munang mag-training dahil baka lumala pa ‘yang sakit mo,” sermon ni Reena na tinawanan lang naman ng binata.

“Wala nga akong sakit,” sagot pa nito at tinanggal ang kamay ni Reena na nasa noo niya.


“Venus,” biglang sabi ni Kylo kaya napalingon si Reena kung saan siya nakatingin at nakita si Venus Frias.


Nahagip ng mga mata ni Reena si Levi Del Fierro na nasa field. Nang humarap siya rito ay nakita niyang nakatayo lang ito at nakatingin kay Venus mula sa malayo pero hindi nagtagal at pumunta na rin sa gitna ng field.


“This is Reena,” rinig ni Reena na pagpapakilala ni Kylo sa kaniya kaya naman napalingon na ulit siya kanila Kylo at Venus.


Nakita niyang ngumiti si Venus sa kaniya at hindi niya napigilan ang sariling mamangha nang mapagtanto kung gaano kaganda ang dalagang kaharap. Kakaiba talaga ang itsura’t ganda nito, pang-out of this world.


“Reena, this is Venus,” pagpapakilala ni Kylo kay Venus kaya naman tinanguan ito ni Reena at ngumiti.


“Hi! You can call me Rai,” nakangiting saad ni Rai kay Reena pagkaalis ni Kylo saka umupo sa tabi nito. Hindi kaagad nakakibo si Reena dahil hindi pa rin siya makapaniwala kung gaano kaganda si Venus Frias at katabi pa niya ito ngayon.


“Hi,” bati pabalik Reena nang mabalik siya sa huwisyo.


“You guys are together?” tanong ni Rai na ikinabigla ni Reena.


Kami ni Kylo? In a relationship? Nako, not in a million years!


“A-Ah, hindi,” sagot ni Reena kaya naman naramdaman ni Rai na bahagya siyang nailang.

“Oh, sorry,” saad ni Rai at lumingon sa field ngunit ibinalik din ang atensyon kay Reena.


“You two look good together,” biglang saad niya na talagang ikinagulat ni Reena.


Ngayon lang may nagsabi nito kay Reena kaya naman hindi niya alam kung paano magre-react. Dapat ba akong magpasalamat o sabihing never talagang magkakaroon ng something sa amin?


“You know, he doesn’t get along well with others. Hindi ko sinasabi ‘to para siraan siya, ah. Sinasabi ko ‘to para maintindihan mo kung bakit ko naisip na baka may relasyon kayo. Maybe he feels at ease when he’s with you,” saad ni Rai.


Naalala naman ni Reena kung gaano ka-istrikto ang mga magulang ni Kylo. Nabanggit ni Kylo sa kaniya na kahit sa mga taong gusto nitong kaibiganin ay nangingialam ang mga magulang nito. ‘Yon siguro ang dahilan kung bakit hindi ito masyadong magaling makihalubilo sa ibang tao.


“Mukha ngang hindi talaga siya magaling makihalubilo noon pero ngayon naman mukhang okay na,” sagot ni Reena at napaisip. Tutal ay nag-uusap na rin sila ni Venus, mabuti na sigurong ituloy ang kanilang usapan.


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now