15th Star

20 9 0
                                    

FIFTEENTH

Masama ang pakiramdam ni Levi. Sa totoo lang ay kahapon pa ngunit nakaya naman niyang ilaban kahapon dahil Sabado na rin at ilang oras lang ang trabaho. Ngayon ay pakiramdam niya’y bibigay na ang katawan niya at gusto niya sanang magpahinga pero nandito na naman sina Kylo King at Reena Dela Luna. Simula nang makauwi sila mula Baguio ay feeling close na ang mga ito sa kanila. Oo, sa kanila ni Rai. Bakit ba hinahayaan ni Rai maging feeling close ang dalawang ‘to sa kanila? Wala namang nadudulot na maganda ang mga ito. Nag-iingay lang ito sa bahay dahil sa mga kuwentuhan nila at nagkakalat pa dahil laging nagpapa-deliver ng pagkain itong si King.


Habang pinapanood sina Rai, Kylo, at Reena mula sa isang sulok ay hindi maiwasan ni Levi tumingin nang masama sa dalawang hindi naman tagarito sa bahay niya. Ayaw niyang may ibang tao sa bahay niya (maliban kay Rai), ayaw niyang may maingay sa bahay niya (maliban kay Rai), ayaw niyang may makalat sa bahay niya (maliban kay Rai), at higit sa lahat ay ayaw niyang may ibang nginingitian si Rai, lalo na ang Kylo King na ‘yon.


“Levi, tara, kain!” nakangiting tawag ni Kylo kay Levi na sinamaan lang siya ng tingin.


Naglakad si Levi patungo sa medicine cabinet, kumuha ng paracetamol saka kumuha ng tubig sa ref. Nakatingin sa kaniya si Rai habang umiinom siya ng gamot, may pag-aalala sa mukha nito.


“Masama ba ang pakiramdam mo?” tayo ni Rai kaya napalingon din sina Kylo at Reena kay Levi. Hindi sumagot ang lalaki at dumiretso na paakyat sa kuwarto nito.


“Next time na siguro ulit tayo magkuwentuhan, mukhang hindi maganda timpla ni Levi ngayon,” ani Rai kanila Kylo at Reena kaya tumangu-tango naman ang huli.


“Lagi namang masama timpla nun,” mahinang saad ni Kylo kaya hinampas siya nang mahina ni Reena upang sawayin at bahagya namang natawa si Rai dahil totoo naman ang sinabi niya.


“Ay, wait. Marunong ba kayong magluto?”


Tinuro ni Kylo si Reena dahil alam niyang marunong ito. Nilutuan na siya nito ng spaghetti isang beses at ng mechado tatlong beses sa unit niyang tinutuluyan nito ngayon. Paborito niya ang mechado ni Reena kaya naisip tuloy niyang magpaluto ulit mamaya pagkauwi nila.


“Bakit?” tanong ni Reena.


“Gusto ko sanang lutuan si Levi mamaya. Okay siguro tinola para may sabaw, ‘no?”


Tumangu-tango sina Reena at Kylo.


“Madali lang ang tinola. Gisa ka lang ng bawang, sibuyas, luya tapos sama mo na ‘yung manok, dagdagan mo ng tubig, pakuluan mo. Tanggalin mo pala ‘yung mga lulutang-lutang sa sabaw pati na ‘yung mantika. Kapag okay na, saka mo idagdag ‘yung sayote, dahon ng sili, at malunggay. Timplahan mo na lang ng asin, patis, o MSG; kung anong pasok sa panlasa mo. Tapos.”


Napangiti si Kylo habang pinapanood si Reena magbigay ng instructions kay Rai. Parang napaka-basic lang talaga ng pagluluto para rito.


“Okay; gisa, manok, kulo, mga gulay, saka timpla.” Iniisa-isa pa ni Rai ang mga steps sa daliri niya. Tumangu-tango si Reena bilang sagot.


“Okay, thank you!” tuwang-tuwang yakap ni Rai kay Reena kaya napangiti ito’t yumakap pabalik. Makikiyakap din sana si Kylo pero hinarangan ni Reena ang mukha niya para hindi na siya makalapit pa habang nagyayakapan ang dalawa.



Pagkagising ni Levi ay bumaba siya para magluto ng hapunan. Nagulat siya nang makita si Rai sa kusina, may hawak itong kutsilyo at napakakalat sa ibabaw ng counter kung nasaan ito nagtatangkang maghiwa ng gulay.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now