7th Star

190 126 0
                                    

SEVENTH

Hindi makahinga nang maayos si Rai habang magkalapit ang mga mukha nila ni Lucas Del Fierro.


She never imagined him to be this intimidating. According to some people here, he’s actually very approachable and friendly but Rai thinks otherwise. He has this very unwelcoming aura. She feels uneasy around him.


They’re now on the part after the magic carpet ride, right after singing ‘A Whole New World.’ Rai can’t deny that Lucas is a good actor and he also has a great voice but those aren’t enough to make her feel at ease around him.


“Good night, my handsome prince,” Rai said, delivering her line.


“Sleep well, princess,” Lucas answered, leaning towards her.


“Okay, that’s good!” rinig nilang sigaw ng direktor kaya bumitaw naman na si Lucas kay Rai at nagtipon sila sa paligid ng direktor.


“Today’s rehearsal is good. But Venus, please try to express your emotions more. Sa part na ‘to, nahuhulog na ang loob mo kay Aladdin. I know you’re a very good actor, Venus. I know you can do better,” saad ng direktor kay Rai kaya tumangu-tango ang dalaga bilang pagtanggap sa komento nito. Nag-iwan pa ang direktor ng ibang komento para sa iba pang cast at dinismiss na rin sila.



“Do you want to have some coffee?”


Napalingon si Rai sa nagsalita sa likod niya at nagulat nang makita si Lucas.


“I have things to do. Sorry,” pagtanggi ni Rai.


“It’s okay. Take care,” saad naman ni Lucas at nagpatuloy na rin si Rai sa paglalakad.


Habang palabas ng auditorium, ramdam ni Rai ang tingin ng mga taong nanood ng rehearsal nila. Hindi niya pinagtuonan ng pansin ang mga ito pero alam niyang galing sa mga taga-hanga ni Lucas Del Fierro ang mga tingin na pakiramdam niya ay sumasaksak sa kaniya. Balita rin niya ay ilan sa mga taga-hanga ng binata ay nagiging bayolente kapag nakikitang napapalapit si Lucas sa isang babae kaya naman sinadya talaga niyang tanggihan ang alok ni Lucas. Ayaw niyang masangkot sa kahit anong gulo.


Dumiretso si Rai sa field kung saan alam niyang nagti-training sina Levi. Pagkarating naman niya ay agad siyang sinalubong ni Sebastian.


“Rai, you’re early today,” bati ng blonde na binata na may hawak-hawak na bola. Sebastian’s also wearing his gloves as he’s the SMU Football Team’s goalkeeper.


“Ah, yeah. Magsisimula pa lang ba kayo?” tanong ni Rai.


“No, we’re just getting started,” sagot ni Sebastian kaya bahagyang natawa ang dalagang kausap.


Sebastian doesn’t know how to speak Tagalog well that’s why he’s always being teased by the rest of the team.


“That’s what I meant,” saad ni Rai.


“Oh, I see,” kamot ni Sebastian sa ulo niya. “S-Simula is... start?” tanong niya kaya tumangu-tango si Rai.


“You should go now. I think they’re already starting,” saad ni Rai kaya naman nagpaalam na si Sebastian sa kaniya.


Naglakad si Rai papunta sa bleachers at hinanap kung nasaan ang bag ni Levi. Nang mahanap naman ito ay nagulat siya nang makita si Kylo hindi kalayuan kung nasaan ang bag ni Levi.


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now