Chapter 2 (Deal)

67 2 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 2 𝗗𝗲𝗮𝗹

      𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

 
𝗣aupo-upo ako dito sa gilid habang nagseselpon, bigla naman may dumating na lalaki.

"May coffee blanca pre? " tanong niya kay Kunno?

"Oo" simpleng sagot ni Kunno.

"Pabili twin pack"

"Hello I'm Farra and you? " singit ko habang Nakaupo dito sa gilid, hindi agad siya sumagot at tinapon lang ako sandali.

"My girlfriend ako." ani niya bago umalis.

"Prangkahan? HAHA!" mahina kung bulong dito.

Rinig ko naman ang mahinang tawa ng tindero, kaya tiningnan ko 'to.

"Tawa tawa mo jan?"

"Tumawa ba ako?" protesta niya

"Tsk"

Nilibot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain dito.

Mayamaya pa ay nagulat nalang ako ng nasaharapan ko na siya at nakaupo sa isang sementadong upuan din na nasa harapan ko.

Tinaas ko siya ng isang kilay.

"Anong gusto mo? " tanong niya na kinataka ko? sino ba siya para tanongin ako, hindi ko naman siya kaibigan.

"Boyfriend" simple kong sagot na kinatawa niya.

"May nahanap kana? " tanong niya pa

"Hindi ako mag-isa rito kung meron na"

"Oh sorry" natatawa niyang sita.

"Isa pala akong engineer, at ang bahay na ginagawa ko malapit sa bahay mo, ay bahay ko na ginagawa ko palang." mahina akong natawa.

engineer pala siya tapos parang piso lang hindi niya kayang sabihin na 'wag ng bayaran tss

"Staka nakikitira lang ako dito dahil ako din naman ang gumawa nito, kaya dito muna ako panandalian. " natawa ulit ako ng mahina.

"Hindi ko tinanong" natawa din siya ng mahina sa sinabi ko.

"Diba naghahanap ka ng boyfriend? available ako if you want basta pwede akong tumira sa bahay mo habang hindi pa tapos ang bahay ko. " dagdag niya pa.

kapal nito ah

"Kung ikaw lang naman magiging first boyfriend ko 'wag nalang woi." napangisi naman siya sa sinabi ko.

"1 month akong makikitira sa bahay mo,pag hindi ka nahulog sa'kin ng isang buwan,aalis ako sa bahay mo,sa tingin ko kasi hindi pa matatapos bahay ko sa isang buwan lang." ani niya na naka-upong nasa bulsa ang kamay

napa-isip isip naman ako.

"Ito nalang... tulungan mo'kong hanapan ng boyfriend sa isang linggo, at pagwala tayong mahanap...
kailangan mong tumira ng isang buwan sa bahay, at kung hindi ako mahulog sayo, maghanap kana ng titirahan mo, deal?"mahabang kung sita, napatango-tango naman siya.

"Deal" tugon niya ng tumayo at inilahad ang kamay sa'kin, tinanggap ko naman 'yon.

"So ngayon naba ako ako magsisimulang magimpake? " tanong niya sa'kin habang hawak hawak parin ang kamay ko.

"Mas okay seguro kung ihatid mo'ko sa bahay at gagamitin ko ang kotse ko para 'dika mahirapan mag dala ng gamit mo?" ngumisi naman siya.

"Sure" hinila niya ako patayo.

"Teka lang 'yong basu-. " hindi na niya ako pinatapos at ka-agad na dinampot ang basura ko, at itinapon sa tabing basurahan.

"Tara" paghila niya sa'kin.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now