Chapter 46 (Voice recording device)

21 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 46: 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗲𝘃𝗶𝗰𝗲


    
𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩

   
𝗡anigas sa kinatatayuan si Farra ng e abot ni Erickson ang abo ng katawanan ni Kunno.

Umiiyak ang lahat.

Hindi nila aakalain na e cremation ang katawan ni Kunno.

“Ba-kit? bakit! ” Umiiyak na tanong ni Farra.

Umiiyak rin ang mga kapatid ni Kunno gano'n din ang daddy niya.
Nakikiiyak narin ang pamilya ni Farra.

“Pasensya na po pero iyon ang bilin ng boss ko bago siya binawian ng buhay. ”

Hindi na alam ni Farra ang gagawin basta mahigpit ang pagkahawak niya sa lalagyan ng abo.

Gusto niyang sumigaw.

Ni hindi niya muna ito nakita ang mukha ng boyfriend niya bago ililibing.

Hindi na niya ito makikita dahil abo na.

“Wala na po ba si tito Kunno? ” tanong ni Xeus kay Siea.

“Paano na si tita Farra? single na naman ulit siya.*sob*” umiiyak rin ang dalawang bata.

Hindi ko alam kung dahil sa namatay si Kunno o dahil single na ulit ang tita nila.

“Nahuli na ang ibang tao pero ang boss nila hindi pa nahuli ng mga police. Kailangan naming mahuli ang pumatay kay boss. ” Saad ni Erickson.

“Hindi ba assistant ka lang niya sa opisina paano ka napunta rito? ” tanong ni Cion.

“Hindi lang ako basta assistant, nagsisilbi din po akong bodyguard ng boss ko, huwag po kayong mag-alala.
Hanggat nabubuhay ako, ako mismo ang magbabantay kay ma'am Farra dahil utos 'yon ni boss. ”

“Ibig mong sabihin si Farra na naman ang target? ” tanong ni Siea na kinatango naman ni Erickson.

“Hindi titigil ang lalaking 'yon, lalo na't alam niyang wala na si boss at walang magpoprotekta kay ma'am Farra. ”

Sa kabilang banda, masayang tumatawa si Geumo habang kasama ang iba pa niyang tauhan.

“Napakapakailamero niya kasi! HAHAHAHA. ” nasa ibang abandunadong lugar na naman sila.

“Hindi niya alam ang binabangga niya. ”

“Boss paano po 'yong babae? itutuloy pa rin ba ang plano na papatayin siya? ”

“Hindi na! ako na ang bahala. ”

May hidden voice record device na nakatago sa bahay ni Farra sa ilalim ng tv nito.
Kaya naririnig ni Geumo ang pinaguusapan nila.

“Kami ang magbabantay kay Ma'am Farra dito sa bahay niya. ”

“Ako ang palaging susunod kay Ma'am Farra hanggat hindi pa nahuhuli si Geumo. ” Saad ni Erickson.

Naririnig ni Geumo ang pinaguusapan nila.

“Mukhang naghahanda sila, hindi nila ako matatalo lalo na't wala na ang boss nila. ” pagtawa pa ni Geumo na sinabayan ng mga tauhan niya.

“Kahit wala na si boss babantayan ka parin namin. ” Saad ng isa kay Farra.

“Salamat pero hindi niyo na kailangan bantayan ako, ayos lang ako. ” ani naman ni Farra.

“Pero kailangang bantayan ka namin dahil ni boss 'yon. ”

“Hindi na kailangan ayos lang ako okay, wala na kayong boss kaya magsi-uwi kayo kung saan niyo gusto, walang mangyayari sa'kin na masama pero kung meron man handa na ako doon. ”

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now