Chapter 31 (Dare or Drink)

14 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 31 𝗗𝗮𝗿𝗲 𝗼𝗿 𝗱𝗿𝗶𝗻𝗸

              𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗡ilibot namin hanggang mag-abot ang buong beach grabe subrang haba ito ata ang pinakamahabang beach na nakita ko.

Halos kapagod rin maglakad.

Ito na kami ngayong apat nagtipon tipon sa buhangin.
Pwede din pala dito mag-overnight pero hindi na banggit sa'min ni boyfiey kung ilan ang bayad per night day week o overnight gano'n.

Masyado niya kasing sinasarili,
ang sabi niya siya daw bahala kaya niya kayang bayaran? e anim kaming lahat.

Ngayong gabi dito daw kami natutulog sa kanya kanya naming tent.

Sa susunod na gabi naman ay nasa rentahan na ng bahay.
Actually may bahay patulugan din sila nasa malapit lang sa taas banda.

Subrang taas nga e parang bahay ko na at panigurado kompleto ang gamit.

At kung kompleto ang gamit...
panigurado mahal ang bayad.

May taga serve din ng pagkain, ang social talaga ng resort na'to.
actually may malaking swimming pool din medjo malapit lapit lang din sa mga bahay tulugan o rentahan.

“Ano na ito na ang alak? ano pa hinihintay niyo? ” napakunok ako ng bahagya.

wine?

e?

“Bakit wine? ” tanong ko.

“Ito 'yong sinerve e. ” tugon naman ni Siea.

Nagsimula na silang uminom habang si Kunno ay nasa tabi ko lang at pansin ko ang pagtingin niya sa'kin.

“Ayaw mo? ” hindi siya sumagot at para bang gusto niyang ulitin ko pa ang sinabi ko.

“Boyfiey... iinom ka? ” Staka lang siya ngumiti bago tumango.

“Hep! hep! naiisip niyo ba ang naiisip ko? ” awat ni Cion ng iinom na sila.

“Hindi, wala kaming powers e. ” sabat naman ni Kuaro.

“Ano ba love nasa isip mo? ” tanong ni Siea.

“Maglalaro tayo. ” pabitin na sagot ni Cion.

“Deretsohin mo nalang kami pinapatagal mo pa! ” reklamo naman ni Siea.

“Maglalaro tayo ng dare or drink.” nakangiting sambit ni Cion at tinaas pa ang dalawang kamay.

“Ano game? ”

“GAME!!. ” sabay sabay naming sang-ayon.

Nilibot ni Cion ang paningin niya bago umalis sa pagkakaupo at para bang may hinahanap siya.

Nasa malapit lang siya pumunta at pagbalik niya ay may dala na siya ng isang boteng alak.

“Ito na sisimulan na natin ha! ”

Pinagilid namin ang sampong bote ng mga wine para makaikot ng ma-ayos ang bote na papaikotin ni Cion.

“Ito na sisimulan ko na! ” pagkasabi no'n ay pinaikot na niya ang bote kaya umiikot-ikot iyon at hinihintay namin kung kanino tatapat ang ulo ng bote.

Tumigil ang bote at nakaharap ang ulo ng bote kay Siea.

“Hoy!!” sigawan namin.

“Okay love, I dare you na halikan mo'ko sa harapan nila mismo. ”
Naghiyawan naman kami.

“Drink.” sambit ni Siea na kinatigil namin lalong lalo na si Cion.

Bigla nitong hinalikan si Cion “Joke lang haha.” nagtawanan nalang kami.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now