Chapter 36 (Legal both side)

10 2 0
                                    


𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 36 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗯𝗼𝘁𝗵 𝘀𝗶𝗱𝗲

            𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗡akauwi na kami sa kanya kanya naming bahay kaya nga hito ako nalulumbay.

Pero sabi ng boyfiey ko pupunta siya rito mamayang gabi at susunduin niya raw ako, dahil may pupuntahan kami.

Hindi ko alam kung saan basta 'yon lang sinabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil nga mabilis lang naman ang oras.

Parang isang hakbang mo lang sampong minuto ang tumatakbong oras.

Nagbabad muna ako sa bathtub ng ilang oras bago nagbihis.

Suot ko ang medjo golden yellow na dress na abot tuhod.
Favorite color ko kasi 'yong yellow, golden yellow basta kahit anong kulay basta yellow jk.

Inayos ko narin ang buhok ko at umiikot pa sa salamin.

“Ayos na siguro 'to!”

Hindi pa ako nakakain, malay mo diba my pa secret dinner date pala siya sa'kin.

Narinig ko ang pagbusena ng sasakyan sa labas kaya lumabas na ako at binitbit ang shoulder bag ko.

Binigyan niya agad ako ng matamis na ngiti nang makita niya ako.
Pumasok na ako sa sasakyan bago hinalikan siya sa pisngi.

“Saan tayo? ”

“Secret, I will tell you later babe.”

“Okay boyfiey. ” pagpacute ko pa ng boses.

Habang nasa byahe kami ay napaangat ang tingin ko ng maramdaman ang pala niya sa hita ko.

Hinawakan niya ang hita ko at pinisil pisil habang ang isang kamay niya nasa manubila.

Napasinghap ako ng hangin sa ginagawa niya, para akong nakikiliti.

Patuloy lang siya sa paghawak ng hita ko at parang walang balak alisin ang kamay niya.

okay lang naman sa'kin.

Huminto ang sasakyan niya sa isang malaking bahay. hinalikan niya ako bago siya nagsalita.

“We're here in my father's house. ”
Halos laglag panga akong tumingin sa mukha niya at tumingin din sa malaking bahay.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil makikilala ko na ang daddy niya o malulungkot kasi baka suplado daddy niya.

Ba't hindi niya agad sinabi, hindi tuloy ako nakapractise ng sasabihin ko.

“Why are you speechless? hindi ka ba masaya? ” napabalik ako sa ulirat.

“Ha? m-a-s-a-y-a n-a-m-an a-k-o HAHA. ” napatakip agad ako ng bibig matapos sabihin 'yon.

“Babe, 'yung utal mo... I can't count it.” Napasimangot naman ako.

“Hindi mo naman kailangang bilangin. ”

“Bakit kasi hindi mo agad sinabi, boyfiey. hindi tuloy ako nakapag practise ng dapat gawin o sasabihin. ”

Tumawa siya ng mahina. “Babe, don't worry my dad is kind don't think too much. ” napatango nalang ako.

“Stay here. ” sambit niya ng lalabas na sana ako.

Lumabas na siya at kita ko ang paglibot niya sa sasakyan bago pinagbuksan ako ng pinto.

“I love you. from your boyfiey. ”  Inilahad niya ang kamay niya kaya pinatong ko narin ang kamay ko.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora