Chapter 17 (Jealous 1)

20 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 17 𝗝𝗲𝗮𝗹𝗼𝘂𝘀 1

    𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗡aalimpungatan ako ng makarinig ng ingay mula sa labas. Napabangon ako sa sofa at napabuntong hininga umaga kasi ngayon pero inaantok pa ako kaya umiidlip lang.

“Tita Farra! tita Farra! ” tamad akong tumayo at tinungo ang pinto.

“Tita Farra sabi ni mama dito muna daw kami. ” bungad na sabi ni Xeus kasama si Xeon at Shina. may kanya kanya silang dalang bag na nakasukbit sa likod nila.

sasakit na naman ulo ko sa tatlo na'to.

Tamad ko silang tinalikuran at bumalik sa sofa ramdam ko ang presensya nilang tatlo sa likuran ko.

“Tita Farra nood kami tv ah. ” pa-alam ni Xeus na hindi ko tinugon.
ewan parang tinatamad akong kumilos tinatamad rin akong magsalita.

Napabuntong hininga nalang ako ng makarinig ng ingay ng tv
umupo nalang ako at tiningnan ang tatlo. Naka-upo sila sa iisang sofa at nasa gitna naman si Shina.

Nakapatong sa sariling hita nila ang bag na dala nila pagkain pala ang laman halatang pinaghandaan na dito sila tatambay tatlo.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanila at umupo sa gitna katabi ni Shina.

Marshmallow ang kinakain ni Xeon katabi ko at kay Shina naman ay candy at kay Xeus naman ay biscuit.
Marshmallow, chocolate, chuckie at cream stick ang mga laman na pagkain ni Xeon.

Napatingin naman ako sa bag ni Shina. Lollipop, candy na fres, cubby, mister melon, mister buko, mister yema at chuckie ang mga pagkain na nakita ko sa bag niya.

Kay Xeus naman Fita, cloud nine, fudge bar, overload, at chuckie ang meron sa bag niya.
saktong sakto ang punta nila dito ubos na mga stock ko haha.

“Xeon pingi marshmallow si tita. ” bulong ko kay Xeon.
Tumingala naman ito sa'kin at kumuha ng limang marshmallow at binilang niya pa talaga ulit kung lima ba bago binigay sa'kin.

Isa isa ko naman sinubo ang mga marshmallow habang nginunguya.
Paw patrol ang pinapanood nila.

“Shin pingi si tita mister buko. ” mahina kong bulong kay Shina na kinaangat niya rin ng tingin sa'kin.
Tumingin pa siya sa mister buko niya na wala pang bukas, isang pack kasi 'yon at staka sa tatlo by pack rin lahat ng dala nila by pack.
hindi ko nga alam ngayon lang sila pumunta dito sa bahay na maraming dalang baon.

Lumiwanag naman ang mata ko ng makita ang pagabot  nito sa'kin na isang pack talaga ang binigay.
“mwa*” halik ko sa buhok nito at tinago sa loob ng damit ko ang mister buko na binigay niya.
hindi ako buntis parang gusto ko lang talaga makipagsabayan kumain sa kanila.

Kinalabit ko naman si Xeus na kinalingon niya sa'min sa'kin.
Tunuro ko naman ang overload at inilahad ang kamay ko sa kanya.
Walang alinlangan naman niya nitong kínuha ang isang pack na overload at binigay sa'kin.

Napadukot naman ako sa bulsa ng cellphone ko dahil tumunog 'yon.

𝐴𝑡𝑒 𝐻𝑎𝑟𝑟𝑎 𝑠𝑒𝑛𝑑 𝑦𝑜𝑢 𝑎 𝑚𝑒𝑠𝑠𝑎𝑔𝑒

𝐴𝑡𝑒 𝐻𝑎𝑟𝑟𝑎:[𝑗𝑎𝑛 𝑚𝑢𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑚𝑜 𝑏𝑢𝑛𝑠𝑜,𝑏𝑖𝑟𝑡ℎ𝑑𝑎𝑦 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑖 𝐸𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑢𝑙𝑢𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑒 𝑆𝑎𝑟𝑟𝑎 𝑚𝑜.]

𝑌𝑜𝑢:[𝑜𝑘𝑎𝑦 𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎]

Nireact lang ng like ni ate Harra ang reply ko.
pinatong ko nalang ang cellphone ko sa lamesa na nasa harap namin.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now