Chapter 21 (Rain kiss)

19 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 21 𝗥𝗮𝗶𝗻 𝗸𝗶𝘀𝘀

  
  𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

  
“𝗜'm sorry babe. ” paulit niya pa kaya mas lalo akong naiyak, pinapahalata talaga niya na may nagawa siyang mali.
kung sa bagay totoo naman dahil nakita mismo ng mga mata ko.

Iniwagsik ko ang kamay niya at hindi sumagot at nagpatuloy sa paglakad.
“babe! magpapaliwanag ako!” wala parin akong kibo at patuloy rin siya sa pagsunod sa likuran ko.

“Umalis kana ayaw kitang ka-usap. ”

“Mali ang Iniisip mo. ” hu? pinagsasabi niya panong mali? e sabi nga niya ako ang palaging tama sa'min dalawa tapos ngayon sasabihin niyang ako ang mali? tsk walang hiya.
tama naman ako dahil nakita ko mismo.

“ah—I mean tama ka pero hindi mo lang naiintindihan dahil hindi mo alam oo tama ka. ” napatigil naman ako sa paglakad.

“Tama talaga ako kaya huwag mo na akong kausapin!” singhal ko bago galit na humarap sa kanya.
Lalapit na sana siya ng pigilan ko siya “Paglumapit ka makikipaghiwalay na ako sayo. ” pagbabanta ko habang patuloy parin ang pag agos ng luha ko.

May narinig akong busina ng sasakyan bago pa man ako makalingon ay agad akong niyakap at sabay kaming natumba sa damuhan sa gilid ng kalsada.
Wala akong nararamdaman sakit dahil sa ibabaw niya ako.

Dahan dahan akong umangat ng tingin sa kanya at dali daling tumayo.

okay lang kaya siya?

“Salamat pero hindi pa rin tayo bati.” saad ko habang sa ibang direction nakatingin.
Wala akong narinig na tugon niya kaya nilingon ko siya.

Nanatili siyang nakahiga at nakapikit ang mata.

“Hoy? buhay kapa ba? hindi pa tayo nagkaka-ayos hindi ka pa pwedeng mamatay! ” singhal ko dito bago lumapit at umupo sa tabi niya.

Dahan dahan ko namang nilapat ang kamay ko sa dibdib niya. “Tumitibok pa naman malakas nga e. ”
Hinawakan ko naman ang ulo niya wala namang dugo pero 'yong kaliwang braso niya may kunting gasgas.

“Nahimatay ba siya? paano 'yan hindi ko siya kayang buhatin. buti hindi madumi ang inihigaan niya kaya kahit ilang araw pa siyang mahiga rito. ” pagpaparinig ko pero hindi talaga gumalaw ng kunti ang katawan niya.

“Ba't naman kita tutulungan e niluko mo ako matulog ka dito wala akong pake tsk cheate—/ehem! ehem! ” pagubo-ubo niya at dahan dahang dumilat ang mata o diba nagkukunware lang siya.

“Buhay ka pa pala, buti naman kasi kawawa naman 'yong babaeng niyakap mo kanina no? ” saad ko dito at tinalikuran siya.

Yakap lang naman 'yon pero paghalik makikipaghiwalay talaga ako.
ayoko sa lahat 'yong inaagaw 'yong pagmamay-ari ko.

Natigilan ako sa paglalakad ng may isang patak ng tubig ang tumulo sa pisngi ko.
“hyss ba't ngayon pa? ang layo ko na sa bahay. ” hyss debali na maliligo nalang ako.

Napapikit nalang ako ng sunod sunod ng pagpatak ng ulan pero natigilan ako ng maramdaman na may damit na pinatong sa ulo ko.
Napaawang naman ang labi ko ng makita ang boyfriend ko na walang damit at 'yong damit niya pala ang nakapatong sa ulo ko.

Napalunok naman ako. hindi, hindi, hindi ako pwedeng kiligin may kasalanan pa siya sa'kin.
Kukunin ko sana ang damit niya pero pinigilan niya ako at mas lalong tinali ang damit niya sa ulo ko.

“Ayoko kitang makita. ”

“Are you jealous again babe? ” malumanay niyang tanong nasa ibang direction lang ako nakatingin dahil ayokong manlambot sa kanya.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now