Chapter 3 (Story)

45 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 3 𝗦𝘁𝗼𝗿𝘆

“HINDI KA BAGAY MAGING TEACHER, DAHIL MAS BAGAY KA MAGING ASAWA KO!!”

         
            Someone's POV

“HAPPY TEACHER'S DAY SIR!” bati namin lahat kay Sir Warex.

“Thank you class,we need to go to our gym because we have a party. ” sabat naman ni Sir, habang ako tahimik lang sa gilid, kung paano siya makukuha.

Pumunta na kaming lahat sa gym dahil doon gaganapin ang surprisa namin sa mga teachers at ang mga SSLG officers ang nagaayos ng  kung ano ano.

“Hep! Hep! ”

“Hooray!! ” pagsisigawan ng mga estudyante dito.

“Hooray!! ” nakamike ulit na sigaw ng President.

“Hep! hep! ” ganti naman ng mga estudyante.

Tamad akong tumingin kay Sir na ngayo'y nakikipag usap sa ibang teachers, hindi ko tuloy mapigilan mainis,ako kasi hindi niya kinakausap o pinapansin.

Kahit nga anong ingay ko sa classroom para magpapansin sa kanya, pero hinahayaan niya lang ako mag ingay, gusto ko pagalitan niya ako, at tawagin ang pangalan ko
kaso no effect, hindi niya ako pinapansin hindi ko manlang narinig ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko, tango tango lang ang bigay niya sa'kin habang nagtataas ako ng kamay para sumagot sa recitation, at sa attendance naman wala sinusuri niya lang kung sino absent.

Gashhh!

nakakabounce tatalaga!

pasalamat siya mahal ko siya.

Kung ano ano na ang pinagsasabi ng Pricipal, maingay naman ang mga kaklase ko kaya hindi ko naririnig kaya tinititigan ko nalang si Sir.

Napasahampas naman ako sa katabi ko ng mag tama ang mga mata namin ni Sir, pero umiwas siya ng tingin.

Malayo siya, pero nagawa niya akong makita, napatigil nalang ako ng may humampas sa'kin.
'yung katabi ko pala na masamang nakatingin sa'kin, nagsorry nalang ako bago binaling ulit ang tingin kay Sir.

Natapos ang mensahe ni Mr. Principal, kaya nagsi labasan na ng mga talent ang mga estudyante.

Ako na walang pake intermission nila.

Umalis nalang ako at pumunta sa classroom.

walang tao sa classroom kaya,nag connect nalang ako sa Tv,at pinanood lahat ng stolen pictures at video ni Sir.

Pangiti ngiti lang ako dito mag-isa, habang na nonood.

walang sawa ko pinanood lahat ng mga larawan at video niya, hanggang sa pumasok ang isang kong kaklase.

“woi ano yan. ”pang-aasar niya, pinatay ko nalang ang Tv.

“sabi ni Sir, h'wag ka dito sa classroom bumalik ka sa gym. ” ani ng kaklase ko na pinagtataka ko.

“Paano niya nalaman na nandito ako?” tanong ko dito ng makalabas kami sa classroom.

“Ewan ko, basta chinat niya lang ako.” kinikilig niyang asik at nauna sa'kin.

Naewan naman ako ditong maiiyak.

“Ang unfair naman ako hindi niya pinapansin! ” pasigaw ko dito at padabog na naglakad.

Hindi na ako bumalik do'n sa gym, bat' kasi do'n pa ginanap ang program.

Bumalik ako sa classroom at natulog.

Nagising nalang ako sa ingay ng mga kaklase ko.

Nagtatake sila ng picture samantalang ako kakagising lang at pinapanood sila,'yung iba humahawak pa sa kamay ni Sir.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now