Chapter 8 (Menstruation)

32 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 8 𝗠𝗲𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

     𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗡agising na ako at bumangon sa kama, napabuntong hininga nalang ako ng makita ang dugo sa bedsheet.

“kaya pala masakit pus-on ko kagabi.” bulong ko nalang sa sarili, hindi kasi ako nakatulog ng ma-ayos ka gabi.

Hindi ko alam na dinadalaw na pala ako.

Napasimangot akong kinuha ang bedsheet mabuti nalang ang kumot ay hindi na datnan.

Napatingin naman ako sa orasan na nasa desk ko. alas otso na pala.

Tamad akong nagpalit ng suot, ayoko maligo, wala na din akong stock na napkin Isa nalang natira, bibili nalang ako pag hindi  ako tamarin.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas muna ako ng kwarto dahil nagugutom na ako.

Pagdinadalaw pa naman ako ay wala akong kabubusogan kung ano ano nalang kinakain ko.

Tamad akong bumama ng hagdan. naupo ako sa sofa nalumilipad ang utak.

Gaya ng ina-asahan ko ay may bulaklak na naman na nakapatong sa desk ko.

𝐻𝑎𝑣𝑒 𝑎 𝑛𝑖𝑐𝑒 𝑑𝑎𝑦 𝑏𝑎𝑏𝑦! ang nakasulat sa note nito.
napailing iling nalang ako at kinarga at inamoy amoy 'yon.

One week nalang ay tapos na ang deal namin ng lalaking 'yun.

𝑝𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑏𝑎?

𝑠𝑎𝑠𝑎𝑔𝑜𝑡𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎?

𝑝𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑡𝑖𝑟ℎ𝑎𝑛 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎?

ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑢𝑟𝑒 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎.

Sa gitna ng pagmuni muni ko ay tumayo na ako para pumunta na sa kusena. gutom na ako nagrereklamo na sikmura ko.

Napangiti nalang ako ng makita ang pagkain na nakalapag sa mesa, umupo na ako at kumain.
pagkatapos kong kumain ay hinayaan ko na ang plato ko sa lababo,alam ko kasing 'yung lalaki na naman na 'yon ang maghuhugas.

Tamad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ate Sarra.
napangiti nalang ako ng sinagot niya agad.

“Ate my loves pwede ka bang pumunta dito sa Bahay ngayon? may pabibili sana ako ng napkin. ” deretso ko agad na sabi.

“sorry bunso may trabaho pa ako e sorry talaga. ” napangiwi nalang ako sa narinig.

“Okay lang Teh bye ingat mwa love you. ”

“Okay bye, love you too. ” pinatay ko na ang tawag at napasimangot na umupo sa sofa at niyakap ang throw pillow ko.
binuksan ko nalang ang Tv at tamad na nanood.

Nakailang gulong na ako dito sa sofa at daing na ilang beses na rin nahulog.

“Putakte!” mura ko at napahawak sa bewang at bumalik pa upo sa sofa.

Ilang minuto ang nakalipas ay kinuha ko nalang ang wallet ko na nakapatong sa taas ng Tv,
tamad akong lumabas ng bahay. nagulat nalang ako bigla ng makita si Unno na kakapasok lang sa gate nakasuot pa siya ng jacket e ang init init na nga ewan ko sa lalaking 'to.

Dinaanan ko lang siya hindi pa man ako nakalapit sa gate ng tinawag niya ako.

“Farra!” pag-ulit niya pa pero hindi ko 'yon pinansin dahil wala ako sa mood makipag usap sa kanya.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now