Chapter 49 (Dad's birthday)

21 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 49: 𝗗𝗮𝗱'𝘀 𝗯𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆

𝗦ubrang saya ni Farra ng maka-uwi sila sa bahay nila.
“Brow!” tawag agad ni Keixa bago patakbong niyakap ang kuya niya.

“Buhay ka nga pare! akala ko multo mo lang 'yon. ” Binatukan naman ni Siea ang asawa niya.

“Paano ka nabuhay? magic? ” hindi talaga paawat si Cion.

“Hindi ako namatay, nagpahinga lang ako sa hospital. pineke ko ang pagkamatay ko dahil alam kong hindi titigilan ni Geumo ang girlfriend ko.
Kaya nagpahinga muna ako para mabilis magaling ang sugat ko at may lakas ako na protektahan siya. ”

Nagtilian naman silang lahat habang si Farra ay nakahawak lang sa braso ni Kunno habang nasailalim ang tingin.

“Alam na ba 'to ni dad? ” tanong ni Keixa.

“Nope, but I think we should surprise him. ”  saad naman ni Kunno.

“Keixa, Kuaro did you two forgot? ” tanong ni Kunno sa dalawa.

“Ang ano? ” sabay na tanong din ng dalawa pabalik.

“Today is dad's birthday.” napanganga naman ang dalawa.

“Wow birthday pala ngayon ni tito, ano kaya handa. ” sabat naman ni Cion.

“It's already 5pm, all of us go to the mansion and surprise him. ”
Napangiti naman silang lahat.

“Bakit hindi tumawag si daddy sa'tin?” takang tanong ni Kuaro.

“Baka gusto niya tayo mismo ang makaalala sa birthday niya.” sagot naman ni Keixa.

“Tara na puntahan natin sila mama at papa. ” aya naman ni Farra.

“And your two sisters and their family also. ” tumango naman si Farra.

Parehas nilang namiss ang isa't isa pero pinigilan lang nila.
Lumabas na sila ng bahay at kanya kanyang sumakay sa sasakyan.

“Saan kayo pupunta? ” tanong ni Erickson na kakadating lang.

“Dito ka sumakay ipakilala kita kay daddy. ” saad naman ni Keixa at hinila si Erickson.

Nauna na ang apat sa mansion habang ang dalawa ay nagsundo pa.

“Ma, pa, punta po tayo sa bahay ng daddy ni Unno, birthday po kasi. ”
Medjo nagulat pa ang dalawang matanda ng makita si Kunno.

Hindi sila makapaniwala sa nakita.

“Si Kunno ba 'yan? ”
bulong ng mama ni Farra sa papa niya.

“Oo mukhang si Kunno nga. ” pabalik ding bulong ng papa nito.

“Pa-paanong?” nakalimutan ng dalawa na sabihin sa kanila muna.

“Peke po ang pagkamatay niya, hindi po siya namatay dahil nagpagaling muna siya para iligtas ako ulit.”
paliwanag naman ni Farra.

“Sabi sayo, bagay talaga siya sa anak natin. ” pabulong na tili ng mama nito.

“Oo nga e. ” Napatingin nalang ang dalawa sa Isa't isa dahil naririnig nila ang bulungan ng dalawa.

“Kamusta kana pala nak, magaling kana ba? ” tanong ng mama niya kay Kunno.

“Opo, magaling na po ako ma. ” sagot naman ni Kunno at humawak sa bewang ni Farra.

“Mabuti naman kung gano'n, tara na.”

Sumakay na sila sa sasakyan bago dumaan ulit sa bahay nila Harra.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now