Chapter 48 (Force married)

26 2 0
                                    


𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 48: 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗲𝗱.

𝗡aisuot na nila Farra at Kuaro ang bullet proof.
Nailagay na rin ni Erickson ang hidden voice recording device sa loob ng bulsa ni Farra.

“Nakahanda na ang lahat. tayo na. ” aya ni Farra kay Kuaro.

“May tayo na ba? ” binatukan naman ni Keixa si Kuaro.

“Umayos ka nga. ”

“Oo na po. ”

“Kailangan hindi nila mahalata na nakasunod kami sa inyo kaya mauna kayo. ” saad ni Erickson na kinatango naman ng dalawa.

Sumakay na sa kotse ang dalawa.
Pinagbastan nalang nila ang sasakyan pa layo.

Nang makarating ang dalawa sa mall, hindi nga sila nagkakamali.
Nakaabang agad ang mga tauhan ni Geumo.

Sinadya nilang hinay hinay ang paglakad.
Walang ibang tao kaya malaya silang madakip.

Nagtinginan naman ang dala na parang nag-uusap sa mata.

Agad ng lumapit ang mga kalakihan at dalawa dalawa ang humawak sa kanila.

“Bitiwan niyo ako ano ba! ” kunwaring pagpupumiglas ni Farra.

“Pakawalan niyo kami mga panot! ” singhal naman ni Kuaro.

“Huwag na kayong pumalag kung gusto niyong mabuhay.” tumahimik nga ang dalawa.

“Boss nahuli na namin ang babae, pero may kasama siyang lalaki kaya sinama namin siya. ” Sabi ng isang lalaki sa cellphone nito at katawag ang boss niya.

“Mahusay, isama niyo nalang ang lalaki at bilisan niyo. ”
ani naman ni Geumo sa kabilang linya.

“Sige boss. ”

“Kayo! tumahimik kayo kung gusto niyong mabuhay. ”

“Nakailang sabi mo na 'yan. ” sabat naman ni Kuaro.

“May sinasabi ka? ” peke namang tumawa si Farra.

“HAHA wala po siyang sinabi oo, gan'yan lang po talaga siya kinakausap sarili niya. ” palusot ng babae.

“Anong nakakatawa? ” napailing iling naman ito.

Mayamaya pa ay nakarating na sila, nagtatakang tumingin tingin sa paligid si Farra, hindi kasi ito gaanong kaluma ang lugar.

Hinila silang dalawa papasok hanggang sa makarating sa isang malaking kuwarto.

Nakatayo si Geumo habang nakatalikod, naka formal attire ito.
Napabaling naman ang tingin ng dalawa sa wedding dress na nasa tabi nito.

“Nandito na ang bride ko, may kasama pang magiging ninong. ” Saad ni Geumo ng makaharap sa kanila.

“Sinong bride at ninong? ”

“Sino pa ba sa inaakala mo. ” sabat naman ng lalaki na hawak hawak si Kuaro.

“Ako ninong? no way? ako ang papakasalan ni ate, at liligawan ko siya, hindi mo pa siya niligawan, kaya pumila ka. ”

“Ang ingay naman ng magiging ninong namin, talian niyo ngayan. ”

Tinalian nga nila si Kuaro habang pumipiglas ito.

“Ang ganda talaga ng bride ko, suotin mo 'to. ” sinamaan naman siya ng tingin ni Farra.

“Susuotin mo o ako ang magpapasuot niyan sayo? ” napabuntong hininga naman si Farra.

“Bitawan niyo siya, magbibihis ang bride ko. ”

Napatakip naman ng bibig sila Siea, Keixa at Cion.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now