Chapter 11 (Wedding)

37 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 11 𝗪𝗲𝗱𝗱𝗶𝗻𝗴


𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩


𝗡andito pa kami ngayon ni Unno nasa bahay umaga pa naman.
ngayon na ang kasal nila Sie.

Nakaupo lang ako dito sa sofa at parang walang balak dumalo sa kasal.
tinatamad lang talaga akong kumilos.

Nakita ko ang pagbaba ni Unno basang basa pa ang buhok niya na kakaligo lang tagatak din ang tubig sa mukha niya pababa sa adams apple niya.

umiwas naman ako ng tingin.

Umupo siya sa tabi ko nagulat nalang ako ng hawakan n'ya ang batok ko at hakmang hahalikan ako, mabilis kong hinarang ang palad ko sa gitna ng labi namin.

Kita ko ang mata niya na nakipag eye contact pa sa'kin nagulat nalang ako na kamay ko na ang hinahalik halikan niya kaya napaatras ako at binawi ang kamay ko.

"Ano ba! ba't ka ng hahalik?"

"Gusto lang kitang halikan palagi." sagot niya na nakasimangot.

Ewan hindi ko naman siya boyfriend at hindi ko pa siya sinasagot pero maka asta siya parang may kami na tss.

"Hindi 'yon pwede dahil hindi mo naman ako girlfriend. "

"Manliligaw mo naman ako. " sarkastiko niyang sabi.

"Kaya nga manliligaw lang kita? hindi pa tayo mag-on staka ka na humalik sa'kin kung sinasagot na kita, dahil kung tayo na kahit ilang beses mo pa akong halikan. " napakamot batok naman siya sa sinabi ko.

"Kailan mo ba ako sasagotin? " naikagat ko naman ang pangibaba kong labi.

kailan nga ba?

siguro pag handa na ako.

Pero handa naman ako ah?
hindi ko lang alam kung kailan siya sasagotin.

"Siguro pag may snow na dito sa pinas?" pabiro kung sagot at mahinang natawa.

Ngumiti lang siya sa'kin at alam kung hindi 'yon peke. umalis siya at umakyat sa hagdan.

magbibihis na siguro siya.

Naligo na ako at nag-ayos ng kunti nagbihis narin ako ng dress isang oras nalang kasi maguumpisa na ang kasal.

Bumaba na ako at nadatnan si Unno na nonood ng Tv.

"Buti nandito ka na panoorin mo 'to. " napanganga naman ako sa nakita.

balita 'yon ay may mga sasakyang lumilipad na may kung anong binubuhos sa ibaba.

"𝗛𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝘀𝗻𝗼𝘄,𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗻𝗼𝘄 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗱𝘆𝗮."

"𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗻𝗼𝘄 𝗻𝗮 𝘂𝗺𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼?"

"𝗔𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝘄𝗼𝗵𝗵𝗵."

"𝗔𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮."

Napaawang naman ang labi ko habang nanonood.

"Paano?" ngumiti lang si Unno.

"Punta ka sa labas. " taka akong lumabas ng bahay kung totoo nga ang nasa balita.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now