CHAPTER 1

2.9K 33 6
                                    

BINUKSAN ni Adrian ang brown envelope. Inilabas niya ang mga papel na laman niyon.
Ang nilalaman niyon ay ang mga impormasyong nakalap ng inupahan niyang private detective para magsagawa ng background investigation sa pagkatao ng isang babaeng interesado siya sa ngayon.

Esmerald Escalada. Twenty-six years old. Born in Manila. Isang school teacher ang ina nito na namatay noong four years old pa lamang ang
dalaga. Isang businessman naman ang ama nito. Gumagawa ng furnitures na kahoy sa Caloocan. May isa itong kapatid na lalaki pero
nalunod sa isang outing kasama ang barkada pagkatapos nitong magtapos sa college.

Sa St. Jude School nagtapos ng elementarya ang dalaga, at sa UST naman nag-high school and a consistent honor student. Nagtapos ito
ng BS Psychology sa UP, major in Child Psychology.

Muli niyang tiningnan ang mga pictures ni Esmerald. Napakaganda nito, at lalo nang pinaganda ng malaki at bilugan nitong mga mata, matangos na ilong at makakapal na kilay at pilik-mata.

Taglay ng dalaga ang pinaghalo-halong features ng Asian, Latin at Western, na hindi naman nakapagtataka dahil American US Navy pala ang lolo nito-ang ama ng mommy nito. Kaya naman naging campus queen ito.

He was quite impressed sa mga nakita niya, ngunit alam ni Adrian na kailangan pa niyang basahin ang iba pang impormasyon tungkol kay Esmerald.

Nagturo si Esmerald sa isang Montesorri school pagka-graduate. Ikinasal sa nobyong si Nestor Torres Il ngunit nang mismong araw ng
kasal ng mga ito ay nabiyuda ang babae. Naiwan dito ang isang anak na lalaki.

Inilapat niya ang likod sa sandalan ng kinauupuang swivel chair habang patuloy na binabasa ang ilan pang impormasyon tungkol kay Esmerald Escalada.

Sa clinic ng kaibigan niyang OB GYNE na si Cecil, na siyang nagrekomenda rito ay nakita na niya ang medical records nito. Nirebisa niya iyon. Nakilala ni Cecil si Esmerald dahil ito ang obstetrician ng huli sa unang anak nito. At mukhang wala namang mamanahing sakit mula kay Esmerald ang magiging anak niya.

Ayon din kay Cecil, isang disenteng babae si Esmerald. Mabait ito at mukhang wala siyang magiging problema. Nagpatulong siya kay Cecil na maghanap ng babaeng maaari niyang alukin ng proposal.

Agad niyang dinampot ang kanyang cell phone, saka idinayal ang numero ni Cecil. Asawa ito ng pinsan niyang si Roiley.

"Cecil.. "

"Yes, Adrian."

"I've got here all the information na gusto kong malaman about your prospect."

"Oh, how do you find it? lmpressed ka ba? O may natuklasan kang criminal record?" tanong nito sa kabilang linya.

"I'm impressed, Cecil, but not quite. Alam mo naman ako, walang babaeng nakaka-impress sa akin, pero para sa plano ko, okay na siya."

"You mean, siya na?"

"Yeah. Siya na, Cecil. Tutal, interesado 'kamo siya. Kontakin mo kaagad siya for me. And please tell her na ipahahanda ko na ang contract sa lawyer ko."

"But she badly needs the money, ASAP, Adrian. Her son has to undergo a series of operation."

"Okay, I'Il give her fifty percent of the total amount pagkapirma niya ng contract."

"Okay, I"Il let her know, Adrian."

Matapos niyang i-off ang cell phone ay nangingiting pinagalaw ni Adrian ang kanyang swivel chair.

I'm going to be a daddy in less than a year's time... At iniisip pa lamang niya ang kaligayahang ibibigay ng isang anak sa kanyang buhay ay excited na siya. Isang anak lang ang kokompleto sa buhay niya.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now