CHAPTER 16

345 5 0
                                    

NAKASUNOD nga ho siya sa atin," sabi ni Esmerald. "Naku, Mang Panyong, bilisan n'yo ho. Baka hindi tayo tantanan niyan."

Binilisan naman ng matanda ang pagpapatakbo sa sasakyan.

Ngunit bumilis din ang takbo ng taxi. At nakita niyang mas lumit ang distansiya sa pagitan ng sasakyan nila at ng puting taxi.

Sa sobrang bilis nila, napayakap sa kanya si Tisoy.
"Mommy, takot ako. Ambilis-bilis.
Niyakap ni Esmerald ang kanyang anak. Subalit alam niyang mahina pa rin ang loob nito dala ng trauma sa aksidenteng inabot nito.

"Mang Panyong, natatakot ho si Tisoy. Medyo bagalan n'yo ho."

Sumunod naman ang matanda, kaya madali silang nahabol ni Adrian.

Napailing na lang siya. Alam niya kung gaano ka-persistent ang binata. At sigurado siyang hindi ito titigil hangga't hindi nalalaman kung saan sila tumutuloy.

"Ano'ng gagawin natin, Esmerald?" tanong ni Mang Panyong sa kanya.

Nahihiya naman siyang utusan ang matandang lalaki na iligaw nila si Adrian. Bukod sa ayaw na niyang idamay ito sa kanyang problema, nakabuntot na sa kanila ang taxi na kinalululanan ni Adrian.

"Hayaan n'yo na hong bumuntot siya, Mang Panyong. Tutal, pagdating sa farm, hindi naman siya papapasukin sa gate."

Habang papalapit sila sa farm ay palit na rin nang paliit ang distansiya sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Pagsapit nila sa entrada ng farm kung saan may nakatayong maliit na kubong kinaroroonan ng guwardiya ay pinahinto nito ang taxi.

"Pakibilisan n'yo na ho para hindi na siya makabuntot."

Ganoon nga ang ginawa ni Mang Panyong. Pero hindi pa sila nakakalayo sa may gate ay hinabol sila ng guwardiya sa pamamagitan
ng pagsilbato nito.
Iniatras ni Mang Panyong ang Ford Fiera.

"Kilala n'yo ho ba ang lalaking ito, Ma'am?" tanong ng guwardiya sa kanya.

"Hindi ko ho siya kilala."

"Eh, nobyo n'yo raw ho siya, eh."

"Sige, Emong, papasukin mo ang taxi." Nagtaka pa si Esmerald nang iutos iyon ni Mang Panyong sa guwardiya.

"Bakit n'yo ho pinatuloy, Mang Panyong?" tanong niya sa matandang lalaki nang bumalik ito sa Fiera.

"Pasensiya ka na kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko, Esmerald. Pero likas sa aming mga taga-Bukidnon ang mainit na pagtanggap sa bisita. Isipin mo na lang na galing pa pala siya ng Manila at dumayo rito para lang hanapin ka."

"Pero pinagtataguan ko nga ho siya, eh."

"Nakita ka na niya. Nasundan na. At mukhang determinadong makausap ka, kaya hindi mo na siya puwedeng iwasan."

Kahit naiinis, inintindi na lang niya ang katwiran ng matanda.

At dahil nakita na sila ni Adrian, dinama ni Esmerald ang kanyang tiyan. Malaki na iyon. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakikita niya
kung paano lumalaki ang kanyang tiyan tuwing titingnan niya iyon sa salamin sa umaga.

At iisa lang ang ibig sabihin niyon. Patuloy sa paglaki ang buhay na nasa loob ng kanyang sinapupunan. Isa na iyong ganap na nilalang na
malapit nang lumabas sa mundo.

Ang tanong nga lang, kaninong poder lalaki ang bata?

Ngayong natunton din siya ni Adrian, natatakot siyang manalo ito sa agawang iyon.

Hindi niya kayang mawala sa kanya ang magiging anak niya. Kahit mahirap, kahit mag-isa lang siya, bubuhayin niya at palalakihin ang magiging kapatid ni Tisoy.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now