CHAPTER 6

397 10 1
                                    

"SHE'S pregnant," masayang pagbabalita ni Cecil kay Adrian telepono nang tawagan siya nang gabing iyon.

Napangiti siya. "Yes! Yes! Yes!" Tatlong ulit din siyang sumuntok hangin. "lm going to have a child of my own. Juan Adriano llusorio lII.
Kapag babae naman, I'll name her Joana Adrianne. What do you think of the name, Cecil?"

"Huwag kang masyadong matuwa, Adrian," narinig niyang sabi nito sa kanya sa kabilang linya.

"But why?"

"Dahil nagpapakita ng mga signs si Esmerald na parang ayaw niyang tumupad sa agreement."

"What? Napatayo siya sa kinauupuan niyang couch. "What do you mean, hindi na niya ibibigay sa akin ang bata?"

"Sort of. Pero kinausap ko na siya about that."

"Good. Hindi na siya puwedeng mag-back out, Cecil. Napakaimportante sa akin na makuha ang magiging anak ko sa kanya. Kapag ipinanganak niya ang bata, ilalayo ko para hindi na niya mahabol. By the way, are you sure hindi ka nadudulas na sabihin sa kanya kung sino ako?"

"I am very careful about that matter, Adrian."

"Salamat kung ganoon, Cecil. But I have to watch out. Baka ilayo sa akin ng babaeng iyon ang bata bago pa siya manganak. Hindi malayong bigla siyang magtago. Dapat ko pala siyang bantayan."

"It's up to you," sabi nito.

"Tm leaving everything to you, Cecil. Take care of her and the baby hanggang sa makapanganak siya."

"'Il do that for you, Adrian. Don't worry."

NASA first stage si Esmerald ng kanyang pagbubuntis kaya nararanasan na naman niya ang mga sintomas ng paglilihi tulad ng
morning sickness, ang madalas na pagkahilo at pagsusuka.

"Mommy, sick ka ba, ha?" tanong ni Tisoy sa kanya isang umaga. Dalawang araw nang naoperahan ang mga mata nito.

"Hindi, baby.." sabi niya. "Huwag mo 'kong intindihin. Ang isipin mo, gumaling na ang eyes mo." Masuyo niyang ginulo ang buhok ng kanyang anak.

"Mabuti pa, umuwi ka na't magpahinga, Esmerald. Ako na muna ang bahalang magbantay rito kay Tisoy," prisinta ni Eloy.

"Nakakahiya naman sa iyo. Nag-aalaga ka ng pamangking nakabenda ang mga mata, nag-aalaga ka pa rin ng isang pinsang naglilihi.
Napapabayaan mo na tuloy ang flower shop."

"Hus, huwag mo nang isipin iyon. Ang intindihin mo'y ang sarili mo. Alam mo namang mahirap kang maglihi."

"Huwag mo na ngang ipaalala 'yan, Eloy. Sige na, uuwi muna ako. Babalik na lang ako mamayang gabi."

Paglabas ni Esmerald ng ospital, sa pagmamadali niya ay may nabunggo siyang taong hindi niya inaasahang makakabunggo.

Ang masungit na mama sa supermarket, sa loob-loob niya.

"Oops, sorry, Mister," paghingi niya ng dispensa. Aminado naman kasi siyang siya ang may kasalanan kaya nagkabunggo sila ng lalaki sa corridor ng ospital.

Tiningnan niya ang malamig na mga mata ng lalaking nakasalubong.

"Next time, huwag kang maglalakad nang nakapikit."

Napatda si Esmerald sa kasungitang ipinakita ng lalaki, lalo na nang lampasan na lamang siya nito.

Akala ko babae lang ang naglilihi.

Naiinis siya dahil tuwing magkikita sila ng lalaki ay pinagsusungitan siya nito.

Matandang binata siguro iyon na pa-menopause na kaya ganoon kasungit.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now