CHAPTER 13

371 5 0
                                    

MAAARI nga namang gawin ni Esmerald ang sinabi ni Eloy na tawagan na lang niya si Adrian para makapagpasalamat siya rito, pero
hindi niya alam kung bakit sinadya pa niya ang lalaki sa opisina nito sa Makati Avenue.

"0, hindi ka ba naliligaw?" sarkastiko pang tanong ni Adrian nang makita siyang sumungaw sa opisina nito.

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-away. Magpapasalamat lang ako sa pag-agap mo kay Tisoy. Kung hindi, baka mas malala ang nangyari. Salamat din sa pagsusugod mo sa kanya sa ospital." Pormal na pormal ang anyo niya. Ni hindi na siya umupo sa silyang nakalaan para sa mga bisita,

"Sit down." Itinuro nito ang upuan.

Nang maupo si Esmerald, naupo rin ito sa layong magkakasya pa ang dalawang tao sa distansiya sa pagitan nila.

"Accident prone pala ang anak mo. Ikaw naman, pabaya. Kaya pala nadidisgrasya ang bata."

Isang matalim na tingin ang isinagot niya.
"Akusahan mo na akong pumatay kay Rizal pero huwag na huwag mo akong ia-accuse na pinababayaan ko ang anak ko!" singhal niya kahit na hindi pa siya nakakabawi sa takot at panlulumo dahil sa pag-aalalang malaki ang pinsala ni Tisoy.

"Wala pa siyang four years old. Hindi mo siya dapat ipinagkakatiwala lang sa isang yaya. Ipinakikita mo lang sa akin ngayon kung ano ang posibleng mangyari sa anak ko kung ikaw ang mag-aalaga sa kanya."

"Huwag mo nang gamiting issue itong nangyari. Malikot lang talaga si Tisoy. Palibhasa, matagal siyang hindi nakapaglaro dahil sa pagkakaospital niya nang matagal."

"Walang kahit anong excuse basta child care ang pinag-uusapan."

"Hoy, Mr. lusorio, hindi por que tinulungan mo ako nang maaksidente ang anak ko, puwede mo na kong sermunan."

"No. I'm just stating facts based on what | see."

"Opinyon mo lang 'yan. And I don't give a damn to your opinion."

Nagpupuyos ang dibdib na umahon na siya sa kinauupuan at tinungo ang pinto. "Good-bye."

"SIGURADO ka na ba riyan sa gagawin mo?" tanong ni Eloy kay Esmerald habang nagbe-breakfast sila nang umagang iyon.

"Sigurado na. Tutal, nakausap ko na si Lolo Nestor."

"Pero ang layo ng Bukidnon. Bakit hindi na lang kayo sa Batangas, doon sa ibinigay sa inyong lupa?"

"Ang lapit-lapit ng Batangas dito, Eloy. Madali kaming masusundan ng Adrian na iyon."

"Hanggang kailan naman kayo roon?"

"Depende. Kung isusuko na ng Adrian na iyon ang iginigiit niyang right sa anak ko, eh, di hindi namin kailangang magtagal doon. Pero kung hindi niya kami patatahimikin, doon kami hanggang kailangan. Malay mo, mag-asawa ang Adrian na iyon at magkaroon na ng anak. 0, di
makakalimutan na rin niya ang magiging anak ko."

"Sana nga, 'no. Pero may feeling akong hindi ganoon kadaling sumuko ang Adrian llusorio na 'yon."

"Bahala siya sa buhay niya."

Sinubuan ni Esmerald ng hot dog ang kanyang anak.

"May hypothetical question lang ako sa iyo, insan," sabi nito matapos humigop ng kape. "What if alukin ka na lang ni Adrian ng kasal para
share kayo sa karapatan sa bata?"

"Okay ka lang, Eloy? Magpapakasal ako sa isang Abu Sayyaf, pero hindi sa kanya!"

NANG araw na iyon ay nakahanda na ang lahat para sa pagbibiyahe ng mag-inang Esmerald at Tisoy. Nagkausap na sila ni Lolo Nestor at sinabi nitong welcome sila roon. Pero hindi raw sila nito patutuluyin sa hacienda ng mga Torres kundi sa bahay ng abogado nito sa kabayanan.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now