CHAPTER 17

398 7 0
                                    

ALAS-SAIS na nang umalis si Adrian ng farmhouse dahil nakipagkuwentuhan pa ito kina Mang Panyong at Aling Perla. Ngunit
hindi na lumabas ng kuwarto si Esmerald hanggang sa magpaalam ito.

Kaya nga hindi na nakapagtatakang sa hapunan ay si Adrian ang paksa ng usapan nila.

"Hindi naman sa kinokontra namin ang mga sinasabi mo, Esmerald," sabi ni Mang Panyong. "Pero isang tunay na maginoo si Adrian. Masarap siyang kausap at napakabait."

Muntik na siyang mabulunan sa kanyang narinig.

"Ano ho, Mang Panyong? Maginoo?" tanong ni Esmerald matapos uminom ng tubig.

"Oo."

"Baka bastos, hindi maginoo."

"Habang kausap namin siya," sabad ni Aling Perla, "kinikilatis namin ang pagkatao niya. At sa tatlong oras na kausap namin siya, hindi
naman namin naramdamang hindi siya sinsero. Isa siyang disenteng taong marunong makipagkapwa-tao."

"lsa ho siyang employer na walang konsiderasyon sa mga empleyado niya, Mang Panyong. Isang taong ni hindi marunong umintindi sa nararamdaman ng iba. llang ulit ko nang ipinaliwanag sa anya kung gaano magiging masakit sa akin ang mawalay sa anak ko, pero wala raw siyang pakialam dahil binayaran naman niya ang bata. Saka marami pa ho siyang sinabi sa akin na pang-iinsulto at pambabastos."

Hindi nakaligtas sa pansin ni Esmerald ang pagsusulyapan ng mag-asawa. Pakiramdam niya ay hindi kumbinsido ang mga ito. Hindi
naman siya nagtataka dahil alam niyang madaling makalinlang ang personalidad ni Adrian. Kaya nitong magmukhang napakabuti at maginoong tao para lamang makuha ang kalooban ng mga taong gusto nitong kumbinsihin.

Naisip tuloy niyang malamang na ganoon ang strategy na ginamit ng binata sa mga negosyo nito kaya ito naging matagumpay na businessman.

"Esmerald, hindi naman sa nakikialam ako," ani Mang Panyong matapos uminom ng tubig. "Baka naman hindi mo lang kilala ang totoong pagkatao ng ama ng anak mo. Bakit hindi mo siya kilalanin?"

"Kilala ko na ho siya. At habang nakikilala ko siya, lalo akong naiinis sa kanya.

"Pero alam mo, Esmerald," ani Aling Perla. "Bagay na bagay kayo," sabi pa nito.

Nasamid siya sa sinabing iyon ng matandang babae.

"Biniro ko nga siya," hirit naman ni Mang Panyong. "Sabi ko, bagay naman kayo, bakit hindi ka niya 'kako ligawan na lang at pakasalan."

Natawa na siya sa halip na masamid uli siya.
"Kahit ho ligawan niya ako, at magpasirko-sirko pa siya sa harap ko, hindi ko siya sasagutin. At kahit tutukan akO ng baril sa ulo, never akong magpapakasal sa kanya."

BAGAY?

Kanina pa umuukilkil sa isip ni Esmerald ang salitang iyon. Hindi pa siya dalawin ng antok nang gabing iyon. Bagay raw sila ni Adrian.
Hindi lang sa dalawang tao niya narinig ang komentong iyon.

Imposibleng ligawan ako ng walanghiyang iyon. lyon pa, eh, hindi naman yata marunong manligaw iyon?

Pero napangiti siya nang maisip ang posibilidad na iyon.

Ano nga kaya kung ligawan na lang niya ako?

HINDI rin dalawin ng antok si Adrian nang gabing manggaling siya sa tinutuluyan nina Esmerald.

Nagpunta pa siya sa ganito kalayong lugar para lang pagtaguan ako.. naisip niya.
Ibig sabihin, ayaw talaga niyang kunin ko ang bata pagkapanganak niya.

Pero paano ang pangarap niyang magkaanak?

Lalo yata siyang gumaganda habang lumalaki ang tiyan niya. I didn't realize that pregnant women are beautiful..

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyOnde histórias criam vida. Descubra agora