CHAPTER 9

290 4 0
                                    

MATAGAL na napatda si Esmerald. Napako ang tingin niya sa lalaki at hindi niya kaagad nagawang bawiin ang tingin.

Dalawang ulit na niyang nakita ang lalaking ito-sa supermarket at sa ospital. At sa dalavwang pagkakataong iyon ay hindi maganda ang ipinakita nito sa anya dahil ang nakita ni Esmerald ay ang pinakaarogante at pinakamasungit na lalaking nakilala niya sa kanyang buong buhay.

Pagkatapos ngayon, sasabihin nitong ito ang ama ng kanyang anak?

Ito ang nakatalik niya sa hotel? Ang lalaking nakamaskara? Ang tinawag niyang "Superman" at ang mismong lalaking bumili ng anak na ipinagdadalang-tao niya?

"Jesus... ikaw?"

"Ako nga. Bakit para kang natuka ng ahas? Hindi mo ba mapaniwalaang ako?"

Kaya pala may familiarity siyang naramdaman nang una niya itong makita sa supermarket.

"H-hindi ko akalaing i-ikaw.."

"And who do you expect? Si Ben Affleck o si Tobey Maguire?" pasarkastiko pa nitong tanong.

Gusto niyang mapaismid, lalo na nang matawa ang kanyang pinsan.

"Of course hindi sila ang ine-expect ko. Kaya lang, sa dinami-rami ng lalaki rito sa Pilipinas, ikaw pa. Kung alam ko lang na ikaw ang lalaking kakatagpuin ko sa hotel, ang lalaking nagtago sa maskara, hindi dapat nangyari ang nangyari."

"Tsk, tsk, tsk..." nailing na sabi ni Adrian, tila nang-iinis pa. "Poor lady, wala nang magagawa ang pagsisisi mo. But why the regret? I am a
somebody, Miss Escalada."

Nagsalubong ang mga kilay ni Esmerald sa narinig. Hindi lang pala masungit ang lalaking ito, ubod pa ng yabang.

Bigla niyang inasam na sana ay nagbibiro lang ang lalaking ito at hindi talaga ito ang nakatalik niya tatlong buwan na ang nakalilipas.

"Nagsisisi ako dahil.. hindi ko alam na kasinsungit at kasingyabang mo ang lalaking pinayagan kong maging ama ng anak ko."

Tumikhim ang kanyang pinsan nang tumaas na ang boses niya.

"Mukhang marami kayong dapat pag-usapan. Why don't you find a place kung saan kayo puwedeng mag-usap nang maayos?

"That's why I'm here. We need to talk, Miss Escalada."

Miss Escalada? Kung tawagin siya ng lalaking ito ay para lang isang casual na kakilala o isang ka-business deal at hindi ang babaeng nakatakdang maging ina ng anak nito.

Pero hindi ba iyon ang gusto niya-ang makilala kung sino ang lalaking nagbayad sa kanya ng three hundred thousand para lang bigyan ito ng anak?

Bakit ngayon ay parang tulala pa rin siya? Hindi makapaniwalang kaharap na niya ang lalaking gustong-gusto niyang makilala kung sino.

"Tititigan mo na lang ba ako? l said we need to talk," tila yamot na pukaw ni Adrian sa kanya.

"Okay, okay.. saan tayo mag-uusap?" Pinatiim ni Esmerald ang kanyang anyo. Bigla siyang nagkaroon ng pakiramdam na kailangan niyang magmukhang matatag at matapang sa harap ni Adrian llusorio.

"Follow me," sabi nito sa tonong nag-uutos.

Muli silang nagkasulyapan ng pinsan niya. Nakaismid ito at pinagalaw ang mga balikat na parang sinasabing: "Mukhang mahihirapan ka sa isang yan."

Nang muli niyang lingunin ang binata ay palapit na ito sa pinto ng flower shop. Sumunod na siya rito.

Where have all the gentlemen gone? tanong ni Esmerald sa isip. Napaka-rude ng isang ito. Pinasusunod ako na para bang taong kayang-kaya niyang utusan. Binigyan niya lang ako ng three hundred thousand, ang feeling yata niyay nabili na niya ang buo kong pagkatao.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now