CHAPTER 11

386 8 0
                                    

INABUTAN ni Adrian si Cecil sa greenhouse nito na busy sa paglalagay ng fertilizers sa mamahaling mga halaman nito.
Araw ng Linggo noon at naisip niyang dalawin ang kaibigan at asawa ng pinsan niya.

"0, hi," bati nito sa kanya matapos abutin ang dala niyang cake. "Sana sinabi mong darating ka para nakapagpaluto ako ng favorite mong
paella."

"Never mind, Cecil. Kahit scrambled egg lang ang ulam mno, kakain ako," sabi niya, pagkuwa'y umupo sa bench na kahoy na nasa loob ng greenhouse.

Inutusan ni Cecil ang maid na dalhin sa dining room ang cake at naupo sa tabi niya.

"Kukumustahin mo na naman ba ang baby mo?" tanong nito.

"T know my baby's okay. Pero kami ng mother niya ang hindi okay," sabi niya habang patamad na nakasandal sa backrest ng bench.

"What do you mean? Nagkausap na ba kayo? Nagpakilala ka na ba sa kanya?"

"Yeah. I was forced to. Dahil gusto kong malaman niya na hindi ako papayag na hindi siya tumupad sa napagkasunduan namin."

"Really? So, nagkakilala na pala kayo. Ano'ng reaction niya nang ipakilala mo ang sarili mo?"

"What else do you expect? She was surprised. Hindi ba nabanggit ko na sa iyo na nagkita na kami twice? Tiningnan niya ako. Hindi ako sure
kung may familiarity siyang nakita sa akin kaya niya ako tinitingnan. But yesterday, when I told her na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya,
parang hindi siya makapaniwala."

"Ano'ng napagkasunduan n'yo?" interesadong usisa ni Cecil.

"Wala. Nag-declare lang ako ng war."

"Ha?" Nangingiting napailing ito.

"Sabi ko na nga ba. Magkasalungat kayo ng gusto at may pinag-aagawan kayong karapatan sa bata, so... giyera nga."

"Matapang din pala ang babaeng iyon."

"Yeah, I agree, Adrian. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niya at nalampasan niyang lahat iyon with flying colors, hahangaan mo talaga
ang katapangan ni Esmerald. Kakakasal pa lang niya to her husband nang mamatay ito. Two months pa lang ang baby niya. And a year bago mamatay ang daddy ng anak niya, her father passed away. You could just imagine kung gaano kasakit ang sunod-sunod na
pagkawala ng loved ones niya."

"Mag-isa niyang binuhay ang anak niya. At tanging ang pinsan niya ang nakaalalay sa kanya. Then ang anak naman niya ang nasangkot sa İsang malagim na aksidente. If she wasn't brave enough, baka sumuko na siya. Kahit ako, hindi ako sure kung makakaya ko ang lahat ng pinagdaanan niya. Her toughness is admirable."

"Hindi pa rin ako impressed."

"Tm not surprised. Sino ba namang babae ang naka-impress sa iyo?" natatawang sabi ni Cecil.

"I was thinking kung ano'ng puwede kong gawin to tame that Woman," sabi niya.

"I have an idea." Makahulugan ang ngiti nito.
"Make her love you, Adrian," sabi nito.

"What?"
Sinundan iyon ng malutong na halakhak nito.
"You must be kidding, Cecil."

"Tm not. Seryoso ako sa sinabi ko. These past few days, naiisip ko nang magkakabangga kayo ni Esmerald dahil igigiit mo ang custody mo sa
bata samantalang igigiit naman niya ang right niya rito. Then I came up with a solution. Suggestion lang naman itong sa akin. You may consider it or forget about it."

"Ano namang solution 'yan, Cecil?"

"Bakit hindi mo na lang yayaing magpakasal si Esmerald?"

Agad siyang napalingon dito. "Ano?"

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now