CHAPTER 18

734 20 5
                                    

lSANG masamang balita ang natanggap nina Esmerald kinabukasan ng tanghali. Isinugod daw sa ospital si Lolo Nestor at malubha ang
lagay.

"Kahapon pa pala isinugod, bakit hindi tayo pinasabihan kaagad?" masama ang loob na tanong niya.

Niyaya kaagad ni Esmerald si Mang Panyong sa ospital.

Pero pagdating doon ay hindi na nila ito inabutang buhay. Nag-iiyakan na ang mga manugang, ap0, at mga tauhan nito na naroon.

Gusto sana niyang silipin ang matanda pero pinagbawalan siya. Mga kapamilya lang muna raw ang maaaring makalapit sa matanda.

MALUNGKOT si Esmerald dahil hindi sila makadalaw ni Tisoy sa lamay ni Lolo Nestor. Dalawang gabi lamang itong ibuburol at ike-cremate na.

"Kadugo ho nila si Tisoy, bakit hindi nila matanggap ang anak ko?"

"Huwag mo nang ipilit, Esmerald," sabi ni Aling Perla sa kanya. "Baka masaktan ka lang kapag nagpunta ka roon. Ayaw ng pamilya na iyon na may makahati sa maiiwan ng matanda. Mga sakim talaga."

Inabutan sila ni Adrian sa ganoong usapan nang hapong iyon. Bumalik uli ito sa farmhouse.

"Hindi nila puwedeng alisan ng right si Tisoy para makita ang lolo niya for the last time," sabad nito. "C'mon, Esmerald. Kung talagang gusto mong pumunta sa burol ng matanda, pupunta tayo."

Napatingala siya sa nakatayong binata.

"Baka isipin nilang gusto kong mahatian ng mana si Tisoy."

"To hell with what they will think. Basta't sincere ka sa dahilan o sa pagpunta roon, wala kang dapat ikatakot."

PINALAKAS ni Adrian ang loob ni Esmerald. Kasama si Aling Perla ay nagpunta sila sa burol ni Lolo Nestor.

Wala sa mga anak, manugang, at apo ng matanda ang nag-welcome o bumati man lang sa kanila ni Tisoy.

"Sabi ko na nga ba, dapat hindi na tayo tumuloy rito," sabi niya kay Adrian habang nasa harap sila ng burol ng matanda.

"C'mon, huwag kang magpa-intimidate sa kanila." Kinarga ni Adrian si Tisoy, saka inilapit sa coffin.

"Tisoy, say good-bye to your Lolo Nestor because this will be the last time you're going to see him." Tila sinadya ng binata na lakasan iyon.

At nag-alala si Esmerald sa ginawa nito.
Pero sumunod naman si Tisoy sa sinabi ng binata.

"Good-bye, Lolo."

"Say thanks for everything," dikta pa ng binata sa malakas na tinig na halatang ipinaririnig sa ibang naroroon sa villa ng mga Torres.

"Thanks for everything, Lolo," pagsunod na muli ni Tisoy.

"Adrian, what the hell are you doing?" mahinang sita ni Esmerald sa binata.

"Gusto ko lang ipaalam sa lahat na dahil lolo ni Tisoy ang namatay, he also has the right to mourn. Dahil lehitimo siyang Torres."

Niyaya na niya ang binata palabas pero alam niyang nakatingin sa kanila ang lahat ng mga mata ng mga kapamilya ni Lolo Nestor.

"HINDI mo na dapat ginawa iyon. Bakit ba nakikialam ka sa problema namin?" paninita ni Esmerald kay Adrian.

"Dahil gusto kong makatulong. Ayokong tinatrato kayo nang masama ng pamilya ng late husband mo," sabi ng binata.

Hindi na siya umimik, pero aaminin niyang nakapuntos sila ni Tisoy dahil sa ginawa ng binata. At hindi lalakas ang loob niya kung hindi dahil dito.

"Mabuti pa, sumama na kayo pabalik sa akin sa Manila ngayong wala na ang matanda," sabi nito habang pabalik na sila sa sasakyang dala
nito.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now