CHAPTER 2

827 17 4
                                    

BINUKSAN ni Adrian ang pinto ng silid ng kanyang kakambal na si Alfie. Sinalubong siya ng nakabubulag na dilim. At hindi tipikal sa silid ng kanyang kakambal ang ganoong dilim.

May tao o wala ay sanay siyang nakabukas ang ilaw niyon. In fact, ang silid na iyon ay puno ng magagandang lamp shades, antique chandelier, at wall lamps na si Alfie mismo ang may gawa.

lyon ang negosyong pinasok nito-ang paggawa ng iba't ibang lighting fixtures tulad ng chandeliers, lamp shades, wall lamps at pati garden lamps.

Kaya kakaiba ang kaba ni Adrian nang gabing iyon nang dumating siya sa katatayo lamang niyang dream house sa Alabang. Mula sa sariling bulsa ang ipinagpatayo niya ng bahay na iyon. Si Alfie na lamang ang nagdagdag ng ilang furnitures, ng pagpapaganda ng interiors at ng all stainless kitchen.

Hindi niya alam kung bakit masama ang kanyang kutob sa bungad pa lamang ng hagdan ng kanyang fourteen-million house. Alam kasi niyang masyadong dinamdam ng kanyang kapatid ang huling away nito at ng asawang si Diane Castelo—isang papasikat na starlet na nakilala ni Alfie sa isang travel nito sa Bangkok.

Tinutulan niya noon ang pagpapakasal ng kanyang kakambal sa starlet dahil nineteen lamang ito noon at papasikat na, pero alam
niyang wala siyang karapatang pakialaman si Alfie sa desisyong pampusO.

Subalit gaya ng inaasahan ni Adrian ay kalahating taon lang naging maganda ang relasyon nina Alfie at Diane. Parang nakita niyang muli ang sitwasyon dati ng kanyang mga magulang. Pulos sama ng loob at problema na ang ibinigay ni Diane kay Alfie pagkatapos ng anim na buwan ng maromantikong pagsasama ng mga ito.

Bukod sa masyadong maluho ay childish si Diane. Mas binigyan pa nito ng priority ang social life nito. Na naging dahilan ng madalas na pag-aaway nito at ni Alfie.

"When you asked me to marry you, nangako ka sa akin na hindi mo ako babaguhin and you'll give me everything I want. Bakit ngayon, sinisita mo na ang mga lakad ko? Pati ang nightlife ko, gusto mo nang putulin,"narinig niya minsang angil ni Diane.

"Hindi sa gano'n, Diane, eh. Ang gusto ko lang, magkaroon ka naman ng time sa akin. Araw-araw na lang umaalis ka. Maghapon ka nang wala, inaabot ka pa ng madaling-araw. Pag-alis ko papuntang opisina, tulog ka. Pagdating ko rito sa bahay, wala ka na. Sa cell phone na lang tayo nagkakausap lately. You're my wife, Diane. May obligasyon ka sa akin," narinig niyang sabi ni Alfie.

Naiiling na lamang si Adrian kapag naririnig ang pagtatalo ng mag-asawa. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang ina.
Lahat na lang ba ng babae sa mundo ay katulad mo, Mommy?

"Alfie... "muli niyang tawag sa kanyang kakambal.

Wala siyang sagot na narinig, ngunit tiniyak sa kanya ng maid na hindi ito umalis ng bahay maghapon. Nitong dalawang araw na nagdaan ay naging abala ang kakambal sa paghahanap kay Diane.

"Huwag mo siyang hanapin. Pabayaan mo siyang kusang bumalik dito kung gusto pa niyang bumalik. Huwag mong i-spoil-in ang asawa mo. Let her grow up. Kaya lumalaki ang ulo n'on at inaabuso ka ay dahil kahit mali siya, hindi mo siya kinakastigo. Wake up, Alfie. Huwag kang magpakagagong katulad ni Daddy."

"I love Diane so much, bro," sabi sa kanya ni Alfie nang pagsabihan niya ito nang nagdaang araWw.

“But she's not worth it. Kung paanong hindi rin worthy si Mommy sa sobrang pagmamahal ni Daddy. Kung makikinig ka lang sa advice ko,
Alfie, pabayaan mo nang umalis si Diane. Sisirain ka lang niya. Worse, kapag nagkaanak pa kayo, lalayasan ka rin niya. Gusto mo bang
maranasan ng magiging mga anak mo ang naranasan nating hirap?"

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora